Dapat Malaman bago kumuha ng Credit Card . Bago mo isipin na pumunta sa bangko at kumuha ng credit card, alamin mo muna ang mga Dapat Malaman bago kumuha ng credit card. Ang pagkakaroon ng Credit Card ay isang responsibilidad, hindi pangporma lang o pang boost ng social status.
Mga Dapat Malaman bago kumuha ng Credit Card
1. HUWAG BAYARAN LANG ANG MINIMUM, BAYARAN NG BUO ANG UTANG BAGO ANG DEADLINE.
Isa sa pangungahing dahilan kung bakit maraming tao ang nababaon sa utang sa credit card ay dahil minimum lang ang binabayaran nila. Ang pera mula sa credit card ay utang na dapat bayaran. Ang utang sa iyong credit card ay napapatungan ng interest at ang utang na may interest ay mapapatungan ulit ng interest hanggang sa lumobo ang iyong utang. Hindi titigil ang pag interest ng utang kahit binabayaran mo ang minimum, tuloy tuloy na nag interest ito hanggang mabayaran mo ng buo ng halagang ginamit mo. Ang interest ng utang mo ay maaaring umabot ng 42%.
Isang halimbawa ng paglobo ng utang ay ang kwento ni Sha Nacino, sa kanyang interview sa imoney.ph sinabi niya na nakautang siya ng P80,000 ng hindi niya napansin at binayaran niya ay P160,000. P160,000 dahil nagkaroon ito ng interest.
Ayun kay Ms. Sha, swipe lang daw siya ng swipe ng credit card at huli ng ng malaman niya na may utang na siyang P80,000. Ang sinabi niyang mali niya ay ang pagbayad lamang ng minimum. Matapos ang tatlong taon na pagbu-budget ay nabayaran niya ang P160, 000 niyang utang.
Paano ba ang computation ng Interest?
Ang computation ng interest ay:
(Hindi nabayaran na utang) + (interest rate) = (bagong utang) x interest ratw
Halimbawa: CREDIT: P5000 sa buwan ng January, binayaran mo ang minimum na P1000. Kunwari 3.5% per month ang interest o 12% per year. Ang natitira mong P4000 na utang magkakaroon ng ganitong kompyutasyon. Tandaan: hindi pa kasama rito ang mga late payment fees at other charges.
MONTH
|
UTANG + INTEREST
|
UTANGTOTAL
|
February
|
Php 4000 x 3.5% =
|
Php 4140
|
March
|
P4140 x 3.5%
|
Php 4284.9
|
April
|
P 4284.9 x 3.5%
|
Php4433.97
|
Ang tawag sa ganitong pag-interest ay Compounding interest kung saan ang utang at interest ay papatungan pa ulit ng interest.
Kung mapapansin ninyo ay may extra P433.97 pa kayong babayaran maliban sa original na utang na P 5000. Isipin niyo kung puro minimum ang binabayaran ninyo every month at pinaabot niyo ito ng isang taon. Magkano na ang dapat niyong bayaran?
TANDAAN:
Ang pagpatong ng interest sa inyong utang sa hindi titigil hangga’t hindi nababayaran ng BUO ang utang.
2. KAYA MO BANG BAYARAN NG BUO ANG CREDIT CARD BILLS MO?
Maraming nagyayabang na mataas na ang kanilang card limit. Ang problema, mina-max out nila ito. Ngunit ang tanong, kaya mo ba itong bayaran? Tandaan na ang pera mula sa credit card ay utang. Hindi mo ito pera at dapat bayaran. May sapat ka bang pambayad?
3. MAS MALAKI BA ANG NAKUKUHA MO NA BENEPISYO KAYSA SA ANNUAL FEES?
Ang annual fees ay mula P2000 pataas na halaga na dapat mong bayaran bawat taon. Mas nakakaipon ka ba gamit ang credit card mo kaysa sa binabayaran mo na annual fees?
Maraming credit card companies ang libre ang first year ng annual fees. Puwede ring ipawaive ito depende sa performance mo.
4. KAILANGAN MO BA ANG CREDIT CARD PARA SA CASHLESS TRANSACTIONS?
Kung ang dahilan mo ng pagkuha ng credit card ay dahil gusto mo ng cashless transaction, kumuha na lamang ng prepaid card o mga debit card. Hindi ka pa mababaon sa utang. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng prepaid account:
BPI e-prepaid card
BDO cash card
East West Bank prepaid card
Leave a Reply