Maraming maling akala sa minimalism. Ang isa sa common na maling akala sa minimalism ay kailangang mabuhay na kunti lamang ang gamit. Noong una kong nabasa ang minimalism, tinanong ko sa aking sarili kung Paano mabubuhay ang isang tao kung ide-deprive mo ang sarili mo ng mga bagay na gusto mo? Isa ito sa aking maling akala tungkol sa minimalism. Ang totoo, hindi mo ide-deprive ng sarili mo ng mga bagay na magpapasaya sa iyo.
Maling akala sa minimalism:
Ang minimalism ay pamumuhay na para kang mahirap. Ide-deprive mo ang sarili mo ng mga bagay na gusto mo. Dapat ang bahay mo ay walang laman.
Ilang lamang ito sa mga maling akala o tinatawag na misconception ng minimalism. Ang misconception na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming ayaw alamin ang minimalism.
Ang Katotohanan sa Minimalism
Ang totoo kabaliktaran ang misconception na ito sa totoong saysay ng minimalismong pamumuhay. Ang konsepto ng minimalism ay ang pag-alis ng mga walang saysay na bagay sa ating buhay para magkaroon ng puwang para sa mga bagay na magpapasaya sa atin. Sa Ingless, “Less is more, More for the things that adds value to your life.
Sa madaling salita, ang tinuturo ng minimalism ay dapat mga bagay lamang na kailangan mo ang nasa buhay mo. Ang mga activities mo, tao sa paligid mo, at mga bagay sa paligid mo ay dapat mga bagay lamang na nagdadagdag ng value sa iyong buhay. Ano ba ang mga bagay na kailangan natin sa buhay natin? Ang salitang “kailangan” natin ay hindi lamang tumutukoy sa pangunahing pangangailangan o basic needs na isang tao tulad ng pagkain at tubig. Ang “kailangan” natin ay tumutukoy din sa mga bagay na talagang magpapasaya sa atin tulad ng pamilya natin, mga hobbies natin, at mga activities na makatutulong sa atin para tayo ay magkaroon ng peace of mind.
Hindi mo kailangang mamuhay ng mahirap kung gusto mong maging minimalist. Ang hinihingi lamang nito ay piliin mo ang mga bagay sa paligid mo. Sa pamimili ng mga gamit, piliin mo ang mga bagay na kailangan mo ngayon at magtatagal para hindi ka palit ng palit. magkaiba ang “baka kailangan ko” sa kailngan ko ito ngayon. Marami sa atin e bumibili ng mga bagay dahil “baka kailangan nila” pero ang totoo naitatambak lamang ito sa kanilang bahay at nagiging kalat. Ilan ba sa iyong bahay ang nagagamit niyo kada linggo? Maliban sa pang-okasyon na gamit, Ilan ang hindi niyo ginagamit ng ilang buwan? Sa pagbili ng gamit, huwag bibilli kung hindi kailangan.
Kung nais mong matutunan ang minimalist living, saan ka ba magsisimula? Heto ang ilang paraan kung paano maging minimalist.
Leave a Reply