Maari ng Gamitin ng Anak ang Apelyido ng Ina kahit Kasal ang Magulang. May mga tao sa Pilipinas na nais gamiting ang apelyido ng kanilang ina at hindi ang apelyido ng kanilang ama. Marami silang lehitimong dahilan at ang baging desisyon ng Korte Suprema ay makakatulong sa kanila.
Ayon sa Korte Suprema sa kasong, Anacleto Ballaho Alanis III Vs. Court of Appeals, et. al.” maaari ng gamitin ng anak ang apelyido ng Ina sa kahit kasal ang magulang. Ang Konstitusyon ng Pilipinas ay pinagbabawal ang deskriminasyon sa babae at lalaki kaya’t maging ang pag gamit ng apelyido ay hindi isang eksklusibong karapatan ng lalaki. Ayon sa Art 364 ng Civil Code, ang lehitimong anak ay gagamitin ang apelyido ng ama bilang pangunahing apelyido. Dinagdag ng Korte Suprema na ang salitang “pangunahin” ay hindi nangangahulugang ito lamang ang maaaring gamitin ng anak. Kaya maari ng gamiting ng anak ang apelyido ng ina bilang kanyang apelyido (surname).
Sa kasong nabanggit, nais ng Petitioner na si Analecto na gamitin ang apelyido ng ina dahil ang ina lamang niya ang nagpalaki sa kanya. Marami sa mga Pilipino na may hiwalay na magulang at ang kanilang ina ang nagsilbi nilang ama at ina. Maganda ang resulta ng desisyon na ito dahil hindi na mapipilitan ang mga bata na gamitin ang apelyido ng kanilang ama na hindi nila naging katuwang sa kanilang paglaki. Ang paggamit ng apelyido ng ina ay maaari ring gamitin kahit hindi hiwalay ang magulang.
Ano Ang Gagawin Ko Kung Nais Ko Na Palitan Ang Aking Apelyido?
Ang pagpapalit ng apelyido ay hindi madali at kailangan pa ring dumaan sa tamang proseso. Kung nais mong palitan ang iyong apelyido ngunit ikaw ay may Birth Certificate na, kailangan mo pa ring mag sumite ng complaint sa korte para ipaayos ang iyong birth certificate. Maaaring komunsulta sa abogado para ikaw ay matulungan dito.
Sa wala pang Birth Certificate, maaaring irehistro ang pangalan ng anak na ang apelyido ay ang sa ina. Tandaan lamang na kung irerehistro ang bata gamit ang apelyido ng ina, wala dapat “middle name” na ilalagay.
Other Articles:
Leave a Reply