Ang asset at liability ay isang kumplikadong topic kung ikaw ay nag-aaral ng finance degree. Ngunit ayon kay Robert Kiyosaki, ang asset at liability ay madaling intindihin. Ano nga ba ang asset at liability?
Asset vs Liability
ASSET
Ang Asset ay mga ari-arian na nag lalagay ng pera sa iyong bulsa. Nagbibigay ito ng cash flow o passive income.
LIABILITY
Ang Liability ay mga ari-arian na nag aalis ng pera mula sa iyong bulsa. Nagbibigay sa iyo ito ng expenses.
Asset o Liability ang mga sumusunod?
Gadgets – Liability dahil ito ay hindi nagbibigay sa iyo ng pera at habang tumatagal bumababa ang kanyang halaga.
Bahay at Lupa – Liabity dahil binabayaran mo ang repairs, real estate tax, insurance at iba pa.
Sasakyan/Private Car – Liability dahil binabayaran mo ang gasoina, insurance, at maintenance.
Branded Items – Liability dahil hindi ito nagbibigay sa iyo ng pera.
Insurance – Liability dahil ginagastusan mo ito at hindi ito nagbibigay ng cash flow.
Maaari mo bang gawing Asset ang mga nasabing Liability?
OO, kailangan mo lamang gamitin ang iyong creativity at effort para iconvert ang mga ito sa asset. Halimbawa;
- Gadget – Maraming ginagamit ang kanilang gadget para maging bloggers/ youtubers/ sellers at influencers. Sa pamamagitan nito, maaari silang kumita ng passive income mula sa advertisement at endorsements.
- House and Lot – Asset ito kapag ipinarenta ito at may cash flow (gross income – expenses = cash flow). Mayroon akong kakilala na pinaparenta ang first at second floor na kanilang bahay upang may pambayad sa kanilang mortgage.
- Sasakyan – Asset kung ginagamit na grab o pangbusiness.
- Branded Items – Asset kung ipaparenta.
- Insurance – hindi asset ang insurance.
Bakit kailangan malaman ang pagkakaiba ng Asset at Liability?
1 Umiwas sa pagbili ng liability. Bumili lamang ng liability kung may sufficient kang Asset at Income.
2 Kung nais mong yumaman magfocus sa pagbili ng asset. Kung nais mong maging mahirap, bumili ng liabilities.
Anu-ano ang mga assets?
Ang asset ay hindi lamang materyal na bagay, ang asset ay maaari ring ideya na ginawan ng aksyon para mag-generate ng cash flow.
Leave a Reply