Ang ating pera ay nagmumula sa dalawang source of income: Active at Passive. Ang mga mayayaman ay kumikita ng pera mula sa kanilang Passive Source of Income at ang karamihan sa mga karaniwang tao ay kumikita ng pera mula sa active source of income.
Ano Ang Active at Passive Income?
Active Income
Ang Active Income ay pera na kinikita ng isang tao kapalit ng kanilang oras. Ang suweldo ng empleyado ay active income, ganun din ang mga professionals. Sa active income, hindi magagamit ng isang tao ang kanyang oras sa mga bagay na gusto niya. Ang empleyado ay kailangang manatili sa kanyang office/ work place para masuwelduhan. Ang doctor ay dapat magtrabaho para may suweldo o kaya dapat may kliyente para may pera.
Passive Income
Ang pera ay kinikita kahit hindi nagtratrabaho ang isang tao. Hindi mo kailangang magtrabaho para kumita ng pera dahil ang iyong investment ang siyang kumikita ng pera para sa iyo. Ang Passive Income ay tinatawag din na CASHFLOW. Halimbawa, renta mula sa mga paupahan, dividends at interest, shares sa business, automated sales.
Bakit Kailangan Mong Malaman ang Pagkakaiba ng Active at Passive Income
1Kung nais mong makapagretiro o magkaroon ng dagdag na salapi, dapat magkaroon ka ng Passive Income.
2Ang mga milyonaryo ay bumibili ng mga assets na magbibigay sa kanila ng passive income, ang passive income ang gagamitin nilang pangbili ng kanilang luho/luxury.
3Ang karaniwang tao ay ginagamit ang active income para bumili ng mga branded items o gadgets. Ang mayayaman ay ginagamit ang active income upang bumili ng asset. Ang passive income mula sa asset ang ginagamit nila na pangbili ng gadgets o mga branded items.
4Kung may passive income ka, kumikita ka kahit ikaw ay natutulog o nagbabakasyon.
Ano Ang Mga Halimbawa ng Passive Income:
- Real Estate – renta
- Business income (kung may sarili kang empleyado)
- Portfolio Income – dividends/ interests
- Advertisement Income
- Sales mula sa services/goods/ at iba pa.
Leave a Reply