FREE FINANCIAL LITERACY ONLINE COURSE ( IN FILIPINO)
Lesson 4
Sa Lesson 3, napag-alaman natin na dapat hindi lamang tayo nag-iipon dahil dapat may pinupuntahan ang ating pinag-iipunan. Ang unang purpose ng savings ay para makabuo tayo ng EMERGENCY FUND. Bago tayo mag-invest o bumili ng mga insurance, dapat meron tayong emergency fund o buffer fund. Ang pagbuo ng Emergency Fund ay hindi madali at kinakailangan ng mahabang panahon para maipon ito. Ako ay inabot ng 2 years para mabuo ang ang 6 months emergency fund.
Ano Ang Emergency Fund?
Ang Emergency Fund ay nakareserbang pera na madali mong mawiwithdraw kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahan na gastusin. Usually ay nakatago siya sa isang high yield savings account.
Ang Emergency Fund ang iyong foundation sa iyong Financial Literacy. Bago ka magsimula ng kung anu-ano dapat meron ka ng emergency fund.
Magkano Dapat Ang Aking Emergency Fund?
Ang iyong emergency fund ay nakadepende sa iyong average monthly expenses. Ang Emergency Fund ay dapat equivalent sa 3 to 6 months ng iyong Average Monthly Expenses (AME). Ang Average Monthly Expenses ay nagagastos mong pera kada buwan para pangbayad ng bills, pagkain, rent,lifestyle at iba pang gastusin.Tandaan na ang AME ay dapat sapat para bayaran lahat ng gastusin at hindi lamang pang minimum payment. Para sa akin, mas makabubuting mag ipon ng 6 months worth of emergency fund. Pero bago makarating sa 6 mnths, magfocus muna sa pag-ipon ng 3 months worth na emergency fund.
Paano malalaman kung magkano dapat ang emergency fund?
Step 1. Alamin muna ang iyong AME:
- Ilist lahat ng iyong monthly bills – Gas, kuryente, tubig, renta, tuition fee, internet at phone bills, insurance, support (if any), taxes, mortgages.
- Ilista ang expenses mo sa pagkain bawat buwan kasama ang nagagastos mo sa pagkain sa labas.
- Mga Obligations na dapat bayaran – car maintenance, damit, gamit sa school o office, gamit ng mga anak o kamag-anak kung ikaw ang nagpapa-aral sa kanila, miscellaneous expenses.
Halimbawa:
AVERAGE MONTHLY EXPENSES
BILLS
Kuryente – Php1,000
Tubig – Php600
Rent – Php12,000
Tuition Fee – Php6,000 (monthly)
Internet at Phone – Php900
FOOD And TRANSPORTATION
Food – Php6,000.
Transportation – Php1,000
MISC
Clothes/shoe Allowance – Php500
Books – Php2,000
GRAND TOTAL (Monthly Expenses) = PHP30,000.00
Sa tulad ko na hindi nagbabayad ng renta at tuition fee ang aking AME ay Php15,500.
Step 2 – Imultiply sa 3 months ang AME
Imultiply ang iyong AME sa 3 months. Ito ngayon ang iyong iipunin na emergency fund.
Halimbawa: PHP30,000 X 3 = PHP 90,000
PHP15,500 x 3 = PHP45,000
Step 3 – Increase Emergency Fund to 6 months
Kapag nakaipon ka na ng 3 months worth Emergency Fund, mag-ipon muli ng pang 6 months. This time, puwede ka na ring mag-invest habang nag-iipon ng pang 6 months. Bale sa 20% na iyong savings magiging 10% emergency fund, 10% investment na ang iyong gagawin.
Bakit Mahalaga Ang Emergency Fund?
Ang emergency fund ay mahalaga kung sakaling ikaw ay nagkaroon ng gastusin na wala sa iyong budget tulad ng biglang pagkaospital at wala kang insurance o kaya ay ikaw ay na-lay off sa trabaho. Ang iyong emergency fund ang siyang bubuhay sa iyo sa ilang buwan para hindi mo kinakailangang umutang pa.
Kung meron kang emergency Fund ikaw ay makakaiwas sa pangungutang at meron ka agad mapagkukunan sakaling kailanganin o ng pera.
Saan Mo Gagamitin Ang Iyong Emergency Fund?
Hindi lahat ng “emergency” ay totoong emergency. Ang iyong emergency fund a gagamitin lamang sa:
- Unemployment/ nawalan ka ng trabaho.
- HIndi inaasahang medical expenses para sa iyong kalusugan. Example: Sudden diagnosis ng hypertension/ cancer/ tumor/ stroke/ dengue.
- Aksidente
- Hindi inaasahang pinsala sa iyong sasakyan/bahay dahil sa bagyo, wear and tear, sunog.
- Ang isang kaanak ay namatay at kailangan mong lumuwas para sa burol;
- Ang isang kaanak ay nagkasakit/nasaktan at kailangan mong lumiban sa tranaho para siya ay bantayan.
Ano Ang Hindi Emergency:
Mga bagay na puwede mong paghandaan tulad ng tuition fees, credit card bills, luxury travel, car repairs, at car maintenance. Hindi rin iemergency ang pagpapautang sa kamag-anak. Huwag ipautang ang iyong emergency fund. Ang emergency fund ay hindi extra money, isa siyang necessity na dapat laging meron ka.
Saan ko ilalagay ang aking emergency fund?
- Maaari kang magbukas ng Bank Account sa BDO o BPI;
- Magbukas ng Account sa GCASH at magbukas ng CIMB Account doon.
[…] Ano ang emergency fund? […]