FREE FINANCIAL LITERACY ONLINE COURSE ( IN FILIPINO)
Lesson 4
Welcome sa lesson 3 ng ating 30 Lessons. Para malaman ang tungkol dito START HERE.
Sa Lesson 1, nalaman natin na dapat magkaroon tayo ng savings na at least 20% ng income natin. Ngayon, ano ang gagawin natin sa 20% savings?
Ang iyong savings ay hindi dapat savings lang. Dapat meron siyang purpose sa iyong buhay. Ang savings mo ang iyong magiging buffer fund at investment fund.
Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin sa 20% savings:
1Gumawa ng One Month Advance na Sahod – Upang maiwasan ang tinatawag nilang “living from Paycheck to Paycheck” makabubuting mag-ipon ng one month advance na savings. Ito ay gagamitin mo para hindi mo kailangang hintayin ang susunod na suweldo bago makabayad sa mga gastusin.
2 GUMAWA NG EMERGENCY FUND – Ang Emergency Fund ay importante upang makaiwas sa utang ang mga tao kapag may emergency na gastos. Kung may Emergency Fund ka may magagamit ka kapag bigla kang nawalan ng trabaho, nagkaroon ng sakuna, aksidente at iba pa.
3 I-invest – Kapag meron ka ng at least 3 months na emergency fund, maaari ka ng mag-invest. Bago mag-invest pag-aralan muna ang investment na nais pasukin. Huwag mag-invest kung hindi mo lubusang alam ang iyong pinapasok na pagkakakitaan.
4Gumawa ng business o source of passive income. Gumawa o bumili ng asset na magbibigay sa iyo ng Passive Income.
5 Pang long Term/ Short Term goals – Maaaring mag ipon ng pang edukasyon ng iyong anak, pang travel o pangbili ng bahay at lupa.
Leave a Reply