Kung nakatanggap ka ng extra na pera paano mo ito gagastusin?
Si Marie ay nakatanggap ng Php10,000 mula sa kanyang unang sahod. Wala pa siyang pagkakagastusan sa buwan na iyon, paano niya gagastusin ang perang natanggap? Dahil walang mapagkagastusan si Marie ay nagshopping siya ng mga damit, bag, at sapatos. Nilibre din niya ang mga kaibigan sa isang restaurant. Nawala ang Php10,000 niya sa loob ng dalawang araw.
Ang ganitong eksena ay madalas mangyari kapag tayo ay kumikita na ng pera mula sa ating propesyon o trabaho. Noong tayo ay estudyante, alam nating magtipid ng allowance pero hindi natin alam kung ano na ang gagawin natin pag natanggap na natin ang una nating suweldo o bonus. Ngayon ay dapat alam natin ang gagawin para hindi agad maubos ang ating pera sa mga bagay na hindi makatutulong sa atin.
Gawin ito para hindi maubos ang iyong pera
Ang karaniwang Pilipino ay hindi naturuan kung paano gastusin ang sobra o excess money na natanggap. Sanay tayong magtipid ngunit hindi natin alam kung saan gagamiting ang sobrang pera na bigla na lamang nating natanggap. Paano tayo magiging handa kapag nakatanggap ng pera?
Paano tayo magiging handa kapag may nakatanggap ng pera?
1 BASIC MONTHLY BUDGET – Gumawa ng Budget para sa BUPNG TAON, halimbawa nito ay ang aking ginagamit ng basic budget plan. Maari itong iadjust depende sa iyong pangangailangan. Kailangan lamang ilagay lahat ng bayarin kada buwan.
Personal Budget
House Budget:
Ang budget plan ay hindi kinakailangang magarbo. Maaaring isulat sa notebook ang basic monthly budget. Lagyan ng “OK” o Check Mark ang budget kung may perang nakalaan na dito.
2 AUTOMATIC ALLOTMENT – Kapag may natanggap na pera ay automatic na ilalaan ito sa nasabing budget plan hanggang mabuo ang isang taon. Maaring ideposito ang pera sa iba’t ibang accounts o kaya ay ilagay ito sa budget envelope. Sa pamamagtan nito, ang iyong extra money ay mapupunta sa budget at hindi mapupunta sa luxury items.
Ako ay gumagamit ng at least 4 account na pinaglalagyan ng pera, bawat isa ay may kanya-kanyang purpose. Ang maganda sa bank account ay hindi ito mananakaw agad o makakagat ng hayop. Mas makabubuting may bank account para hindi nakikita ang pera at hindi ito magastos. Ang halimbawa ng ginagamit kong accounts ay BPI, BDO (2), GCASH Savings.
3. ILISTA ANG PERANG NAIPON – Kung isa lamang ang iyong bank account o maraming bills ang nakalaan sa bawat envelope/account mas mabuting gumawa ng listahan kung magkano na ang nakalaan sa nasabing account/envelope. Ang halimbawa nito ay ang aking listahan ng nailaang pera:
Aking nililista ang pera na aking dineposito at ginastos para alam ko ang total amount na nailaan sa mga ito sa loob ng isang taon. Ang iyong listahan ay maaaring simple o komplikado. Ang listahan ko ay mayroon lamang date, amount, at total. Sa gilid ay nakalagay kung saang account nakadeposito ang salapi. Dati-rati ay hindi ko naililista kaya minsan ay napaghahalo ko ang mga nakalaan sa mga gastusin at nasisira ang aking budget.
Gawin ito para hindi maubos ang iyong pera
Tandaan na dapat laging may budget at unahin muna ang mga ito bago ka manlibre ng kaibigan. Maaari ring isama sa monthly expenses mo ang pang libre o luxury, ang importante ay alam natin kung saan napupunta ang ating salapi at nabibigyan natin ng prioridad ang ating investment, savings, bills, at living expenses.
Leave a Reply