Lesson 11- Paano makakabayad sa utang? Part 2
Palitan ang Mindset
Para makabayad sa utang, importante ang pagpalit ng mindset tungkol sa lifestyle at finances. Mahirap magbayad ng utang kung mas malaki ang expenses o gastos mo kada buwan kumpara sa income o kinikita mo na pera. Para malutasan ito kailangan mong:
- Magpalit ng Lifestyle
- Magkaroon ng ibang source of Income.
Ang una nating tatalakayin ay ang pagpalit ng lifestyle. Sabi nga ni Robert Kiyosaki, ano ang mas madaling palitan ang mundo o ang iyong sarili? Marami sa atin ang nahuhumaling sa branded o kaya nahihilig sa mga mumurahing gamit. Oras na para muling aralin ang consummerism na ating kinagisnan.
Ano ang Consummerism?
Ang consummerism ay ang paghihikayat ng industriya na bumili ang mga buyers ng kahit anong bagay na kanilang itinda. Marami sa atin ang bili ng bili ng kahit ano lalo na kung ito ay uso o kaya na-endorse ito ng paborito mong artista.
Naalala ko ang aking ina, dati rati ay lagi niyang sinasabi na bumibili siya ng X brand na crackers dahil iyon daw ang laging kinakain ni Vilma Santos. Isa itong halimbawa ng consummerism, bumibili tayo hindi dahil kailangan natin, bumibili tayo dahil tayo ay nahikayat ng mga artista.
Ang isa kong ate ay nahilig naman sa branded na gamit dahil iyon ang hilig ng mga kasama niya dati sa Saudi. Bumibili siya ng mga naka sale na branded na damit kahit hindi na kasya sa aparador/ cabinet niya. Naniniwala siya na basta branded mas mataas ang quality.
Noong ako ay high school at college nauso ang mga “stationary stores” o mga kikay stores sa aming lugar. Maraming mga cute na key chains, hair accessories, notebooks, at kung anu-anong mga gamit. Madalas ako noong bumili ng mga gamit na may picture ng paborito kong character sa ghost fighter. Bumibili rin ako ng mga stationery o mga papel na may ,agagandang larawan. Ngayon hindi ko na alam kung nasaan ang mga gamit na iyon. Dati-rati rin ay bumibili ako ng mga bag at sapatos dahil mura sila at kaya kong bilhin.
Maaari kayong magresearch ng tungkol sa consummerism para sa mas maraming kaalaman.
Ano ang mali sa Consummerism?
Ang consummerism ay hindi maganda kung ikaw ay mas utang na kailangang bayaran. Wala kang karapatang bumili ng bagay na hindi mo kailangan habang ikaw ay may utang.
Paano makakaiwas sa Consummerism?
Matapos ang bar exam namulat ang aking mata sa “conscious buying” na nag-ugat sa minimalism. Hindi masamang bumili ng bagay basta isa alang-ala ang iyong tamang purpose. Mahirap ipaliwang ang buong konsepto ng minimalism pero narito ang ilang guidelines at tips na maaaring makatulong sa iyo:
Sekreto ng mga Branded Goods
May nakausap ako dati na manufacturer ng sapatos, mayroon siyang iba’t ibang factory sa Pilipinas, Cambodia, Vietnam, at Thailand. Ayon sa kanya dapat hindi brand ang batayan mo ng pagbili ng sapatos. Dapat suriin mo ang quality at hindi brand. Bakit daw? Ayon sa kanya gagawa sila ng maramihang sapatos base sa orders ng mga kumpanya tulad ng Adixxs, Nikxx, at iba pang major brands ng sapatos. Matapos nilang magawa ang orders ay bibilhin ito ng mga brands at lalagyan ng tatak at ibebenta ng malaki.
Sabi ni manufacturer bibilhin sa kanila ng brand companies ng $3 to $10 per pair ang sapatos. Matapos lagyan ng kumpanya ng trade mark ang sapatos ititinda nila ito ng $100 kada pares. Minsan magsa-sale ang kumpanya at ititinda ang sapatos ng $50 to $60. Sa madaling salita, ang mga bran companies ay madalas bumibili ng ready made shoes at lalagyan lamang ng tatak para lagyan ng mas mataas na presyo. Yan ang tinatawag na branding. Minsan ang $10 na sapatos ay ginawa rin ng manufacturer ng adidxxs o nikxx. Sa madaling salita hindi sa pangalan naka base ang quality kung hindi sa pagkagawa mismo dahil ang branded at hindi branded ay madalas gawa ng iisang manufacturer.
Ganun din ang mga brands ng mga damit, bibili lamang sila ng damit mula sa kung saan saang manufacturers at lalagyan ng tatak ang kanilang nabili. Ang $5 na T-shirt ay parehas din ng $100 branded T-shirt.
Ang payo ng nakilala kong manufacturer ay suriin ang quality ng sapatos at hindi ang brand. Kaya bago bumili ng gamit suriin ang tela/ materiales at pagkakatahi ng nais bilhin na bag, sapatos o damit.
Gumawa ng CAPSULE WARDROBE
Alam natin lahat ito pero minsan kapag nakasale iisipin natin na baka kailangan natin sa hinaharap. Gumagawa ang utak natin ng dahilan para bumili ng isang bagay. Para maiwas ito importante na meron tayong goal o purpose sa buhay.
Ang isang halimbawa ng conscious buying na may purpose ay ang capsule wardobe ni Anushka (paborito ko na author at blogger). Ang capsule wardrobe ay ang pagkakaroon ng ilang key items na gamit na magiging uniform mo. Ang mga damit at bagay na isusuot mo ay nakabase sa specific na tema ng iyong wardrobe. Ang capsule wardrobe ay mababasa dito.
Alamin ang basic necessities ng isang tao: FOOD (pagkain), SHELTER (matutuluyan), CLOTHING (saplot).
FOOD – sustansiya at fiber para sa iyong sarili at iyong pamilya.
SHELTER – matutuluyan mo at iyong pamilya na proprotekta sa iyo sa ulang, lamig, at araw.
CLOTHING – Proprotekta sa iyong katawan laban sa lamig at araw.
Matapos ito: Education, transportation, business/work.
Kapag may nakita kang magandang bagay, mapupunan ba niya ang purpose mo sa buhay? Kung hindi – huwag mong bilhin. Halimbawa: may magandang damit na bagay sa iyong baby, isipin mo muna kung kailangan ba niya ito dahil wala na siyand damit o nais mo lamang siyang ipasuot sa kanya dahil maganda ang disenyo?
Compare Prices and Ingredients
Isa sa illusyon ng mga adverstisement ay ang pagapakita na ang brand A ay mas maganda kesa sa brand B. Ang totoo pareho lamang sila ng ingredients ng ibang generic products. Paano malalaman ang ingredient ng isang delata, gatas o iba pang bilihin?
Makikita ang “ingredients” sa label ng produkto. Nakalista ang ingredients mula sa pinakamarming sangkap hanggang sa pinaka-kaunti.
Halimbawa:
Popular Milk Brand (B.B.): Milk Powder, Glucose Syrup, Vegetable Oils, Sugar, Emulsifiers, Synthetic vitamins.
Unpopular Milk Brand (B.T): Cow’s Milk, Lecithin
Aling brand sa dalawa ang totoong mas sulit? Ang brand na pure milk o ang brand na puno ng extenders tulad ng vegetable oils at asukal. Ang ibang gatas pa ay may halong arina para mas dumami ang benta nila.
Laging basahin ang ingredients ng produktong bibilhin dahil kung parehas sila mas mabuting bilhin ang produktong walang advertisement sa TV.
Leave a Reply