Lesson 10 – Paano Makabayad sa Utang Part 1. Ano ang strategy para mabayaran ang maraming utang?
Lesson 10 – Paano Makabayad sa Utang Part 1
Marami sa atin ay lumulubog sa utang at nahihirapang makabayad hindi lamang dahil wala tayong pangbayad kung hindi dahil hindi natin alam kung paano magbayad ng utang. Ang pagbabayad ng utang ay hindi itinuro sa ating paaralan kaya marami sa atin ang nahihirapan kung paano haharapin ang nagkapatong-ptong na utang. Madalas sa dami ng utang ay pinipili ng ating utak na tumakbo at hindi ito harapin.
Maaaring iniisip ng marami na, “Paanong hindi niya alam magbayad ng utang e kailangan mo lang isuli ang perang hiniram niya dati?”. Tulad ng pag-invest ng pera, kailangan din ng strategy para makabayad ng utang. Ang pagbayad ng utang ay hindi madali at hindi inaasa sa bahalana na. Ako ay hindi nabaon sa utang ngunit napakarami ang nabaon sa utang ngunit nakabangon muli dahil gumamit sila ng stratehiya (strategy) para mabayaran lahat ng utang nila.
Ang strategy na ginamit ng marami ay ang snowball method kung saan nabayaran ng isang ina ang kanyang utang na $77,000 sa loob ng 8 na buwan. Ang snowball method rin ay nirekomenda ni Leo Bautista kung saan ginamit niya ito para makabayad ng utang.
Marami sa atin na hindi na napapansin ang utang, madalas mayroon tayong utang sa higit sa tatlong tao o kumpanya. Maaring lagi silang kumakatok sa ating pintuan para maningil ng utang. Ang Snowball Strategy ay makatutulong upang mabayaran mo ang iyong mga utang.
Lesson 10 – Paano Makabayad sa Utang – SNOWBALL METHOD
Para magamit ang Snowball budget kailangan mo ng BUDGET at pagbabago ng lifestyle upang mabayaran mo lahat ng minimum payments kada buwan. Marami sa mga Pilipino ay umuutang sa mga kakilala, kung kulang ang sahod mo para makabayad, maaaring makiusap sa kinautangan na babaan ang monthly payment.
Paano gamitin ang Snowball Method:
1 Ilista lahat ang LAHAT ng utang at i-arrange ito mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas.
Halimbawa:
Listahan ng Utang
Pinagkakautangan
Credit Card #1
Home Credit
Lily
Ate Alice
Work Loan #1
BALANSE
Php10,000
Php20,000
Php25,000
Php50,000
Php100,000
Minimum Payment
Php500/month
Php500/month
Php3,000/month
Php5,000/month
Php5,000/month
2 Bayaran lahat ang minimum payment at ang extra. Kung kaya mong maglaan ng extra na pera, ito ay ipangbayad sa unang pinakamababang utang.
Halimbawa: I-prioritize ang Credit Card #1 (mula sa halimbawa sa taas).
3 Kapag Nabayaran na ang unang utang, ang dating perang nakalaan para sa kanya ay idadagdag sa pangalawang utang.
Halimbawa: (mula sa halimbawa sa itaas)
Kung nabayaran mo na ang Credit Card #1, saan mo ilalagay ang extra Php500? Ang Php500 ay idadagdag mo sa iyong pangbayad sa Home Credit #2 upang makapagbayad ka ng Php1,000 kada buwan.
4 Ulitin ang gawain na ito sa lahat ng utang.
Halimbawa (mula sa halimabawa sa itaas)
Kung nabayaran mo na ang Credit Card #1 at Home Credit, magkakaroon ka ng extra na Php1,000. Ang Php1,000 ay ibabayad mo kay LILY kung saan ikaw na ay magbabayad ng Php4,000 sa kanya kada buwan. Kapag nabayaran mo na si LILY at Php4,000 ay idadagdag mo sa utang mo kay ATE ALICE, ang iyong maibabayad sa kanya ay Php9,000 per month. Matapos kay Ate Alice ang iyong extra Php9,000 ay ipangbabayad mo kay Work Loan #1.
Paano ko gagamitin ang Snowball Method kung ang utang ko ay mababa lamang?
Sabihin na nating ang utang mo ay ganito:
Pinagkakautangan
Annie
Barney
Cheche
Danny
Utang
Php300
Php500
Php3,000
Php5000
Minimum Payment
Php100/month
Php50/month
Php500/month
Php500/month
Paano mo gagamitin ang snowball method? Siguraduhing bayaran lahat ng minimum payments, kung may extra kang pera, bayaran ng una ang utang kay “Annie”. Kapag nabayaran mo na ang utang kay Annie, idagdag ang Php100 para sa utang mo kay Barney. Kapag natapos kay Barney, idagdag ito sa utang mo kay Cheche. Pagdating kay Danny, ang ibabayad mo sa kanya ay Php1050/month.
Ang Snowball Method ay epektibo na paraan para mabigyan focus ang iyong mga utang. Ito ay nirerekomenda ng maraming dating baon sa utang na ngayon ay nakabayad na. Tandaan na ang pagbayad ng utang ay dapat may kasamang disiplina at control sa sarili.
Paano kung wala akong pera na pangbayad sa Minimum Payments?
Ito ay tatalakayin natin sa Part II ng ating lesson.
Leave a Reply