Lesson 6 Investment Para Sa Pilipino Part 1
Saan mo gagamiting ang iyong 20% savings?
Sa ating Lesson 4, napag-aralan natin ang Emergency Fund. Bago ka mag-invest dapat meron ka ng at least 3 months na Emergency Fund. Kung meron ka ng Emergency Fund, maari ka ng mag-invest.
Ano ang investment?
Ang investment ay, sa madaling salita, ang paggamit ng pera para ito ay madagdagan.
Ang investment ay may dalawang bahagi:
a. Capital/ Kapital – Orihinal na pera. Halimbawa: Ang iyong savings.
b. Profit – Pera na naidagdag sa iyong kapital. Halimbawa: Interest sa iyong savings.
Para matawag na investment dapat ay:
1 Hindi mawala ng iyong kapital, at
2 Magkaroon ka ng profit.
Hindi investment kapag nawala ang iyong kapital o waa kang profit. Ang pagbili ng bahay at sasakyan ay hindi investment kung wala kang profit na makukuha.
Bakit kailangan mag-invest?
Kailangan mong mag-invest dahil sa dawalang dahilan:
1 Inflation
2 Cash Flow
Ano ang Inflation?
Ang inflation ay, sa madaling salita, pagbaba ng halaga ng iyong pera. Habang tumatagal ang halaga ng iyong pera ay nawawala at ang presyo ng mga bilihin ay tumataas. Halimbawa: Noong ako ay nasa kinder garten, ako ay makakabili ng apat ng kendi sa halagang Php2. Noong ako ay nasa Grade 4, makakabili ako ng tatlong kendi para sa Php2. Noong ako ay nasa College ang candy ay piso isa. Dati rati ang Php2 ay makakabili ng 4 na candy, ngayon ay 2 candy na lang ang mabibili nito.
Kung ikaw ay nag-iipon lamang, kahit gaano kalaki ang naipon mo ay magiging maliit pa rin ito kapag ikaw ay magreretire na. Ang PHP10 Million mo ay hindi na makakabili ng Condo,imium Unit matapos ang 11 years.
Paano mo matatalo ang Inflation?
Sa iyong investment, ico-convert mo ang pera sa bagay na tumataas din ang presyo habang tumatagal. Hindi pera ang iyong iipunin kung hindi ASSETS. Ang isa sa pagkakamali ng mga Pilipino ay ang pag-ipon nila ng pera at hindi ASSETS na siyang tatalo sa Inflation. Halimbawa, Mayroon akong Php6,000 ngayon, ang Php3,000 ay ibinili ko ng 10 stocks ng Jollibee (JFC) at ang Php3,000 na kalahati ay inilagay ko sa banko na may interest na .25% per year. after 11 years ang presyo ng stock ng jollibee ay hindi na PHP3,000 kung hindi Php6,000. Maari kong itinda ang stocks ko sa halagang Php6,000. Ang pera ko sa banko after 11 years ay Php3,825.
Isa pang halimbawa, ako ay nakaipon ng PHP1.5 Million sa taong 2014 at inipon ko ito sa banko. Sa taong 2014, ang PHP1.5 Million ay makakabili ng isang Condominium Unit sa Baguio City. Ngayonh 2019, ang PHP1.5 Million ay hindi na sapat para makabili ng isang Condominium Unit dahil PHP6 Million na ang isang unit. Kung ibinili ko ng unit ang aking PHP1.5Million noon, maaari kong ibenta ang aking unit sa presyong PHP6 Million.
Ang iba ay ibinibili sa ginto o silver ang kanilang pera dahil ang ginto at silver ay hindi bumababa ang presyo at nakikitaas ayon sa ekonomiya.
Ano Ang Cash Flow?
Ang Cash Flow ay Passive Income kung saan ikaw ay kumikita ng pera kahit hindi ka nagtratrabaho. Ang Cash Flow ay kikitain mong pera mula sa iyong mga Assets. Ang Topic ng Active at Passive Income ay pag-aaralan natin sa susunod na Lesson.
Ang isa sa goals ko ay magkaroon ng sapat na cashflow para hindi na ako kailangang magtrabaho pa. Ano ang mga halimbawa ng Cash Flow:
a. Renta mula sa mga real estate;
b. Profit mula sa Business at Sales;
c. Dividends mula sa stocks
d. Interest mula sa savings;
e. Royalty fees
f. At iba pa.
Saan ako Maaaring Mag-invest sa Ngayon?
Bank – Ang pinakuna at ang pinakasimple ay ang pag-invest sa Banko. Ang iyong Emergency Fund ay maaari mong ideposito sa high interest bank. Ang iyong kapital ay protektado hanggang PHP500,000 at may makukuha kang interest na hanggang 3%. Halimbawa ng high yield bank accounts ay: GLOBE Savings, BPI Family Savings, Security Bank eSecure.
Money Market – Ang money market ay investment para sa mga conservative investors.Mas mababa ang returns niya pero mas secure ang iyong capital. Halimbawa BDO and BPI Money Market, GLOBE ATRAM, Security Bank Money Market. Kung gagamitin mo ang iyong pera sa loob ng 3 months, mas mabuting ilagay dito.
Unit Investment Trust Fund Philippines (UITF) – Ito ay investment para sa mga high risk takers o willing mag risk ng pera. Hindi ko ito nirerecommend dahil walang Passive Income dito. Ito lamang ay para mapalaki mo ang iyong kapital.
Stocks – Maaari ka ng bumili ng stocks sa BPI Trading at BDO Nomura. Bago ka bumili ng stocks, pag-aralan muna ang tungkol dito. Magbasa ng libro ni Warren Buffet before mag-invest. Sa susunod na lesson ay maglalagay ako ng TIPS para sa pagbili ng STOCKS.
Real Estate – Kung afford mo na bumili ng lupa at bahay, bumili para iparenta ito. Huwag hayaang walang income mula sa iyong real estate;
Business – Tatalakayin ito sa susunod na Lessons.
Investment para sa Pilipino
Investment para sa Pilipino. Investment para sa Pilipino Investment para sa Pilipino
Leave a Reply