Kalimutan ang networking na di sigurado mung legal o hindi. Pag-aralan natin ang madali, legal, at talagang kumikita. Meron nga bang investment para sa mga OFW na pwede nilang gawin kahit kasalukuyan pa silang nagtratrabaho? Meron. Kailangan ba ng expertise at malaking pera? Hindi. Legal ito at banko ang pupuntahan mo. Anong investment ito?
1. UITF – Unit Investment Trust Fund
2.Insurance Endowment
3. Stocks
UNIT INVESTMENT TRUST FUND
Ito ay investment sa mga major banks halimbawa BPI, BDO, Security Bank. Paano ito? Mag iinvest ka ng pera sa kanila at sila ang magmamanage nito para sa iyo. Paano ka kikita? Para itong stocks pero kumpara sa stocks mas siguradong hindi ka malulugi dahil malaking kompanya ang mga ito. Ganito ang paraan kung paano ka kikita, halimbawa mag iinvest ka ng P10, 000 sa Security Bank at ang kanilang NAVPU (value per unit) ay P2. Ang NAVPU ay ang presyo ng kanilang investment, yun ang bibilhin ng iyong P10, 000. Ang iyong P10, 000 ay ididivide sa P2.00 ang resulta nun ay ang number of units mo which is 5000 NAVPU. Ang P2.00 ay tataas o bababa depende sa stock market. Halimbawa aftef 1 year e tumaas ang NAVPU ng bangko, mula P2.00 ay naging P 3. 00, pwede mo na ngayong bawiin ang iyong pera at ang value na ng pera mo ay na dating 10000 ay P15000 na. Paano nangyari yun, ganito ang binilo mong units ay 5000 (NAVPU) multiplied by P3 present value ng NAVPU. Ganyan kumikita ang mga nag iinvest sa trust fund. Maraming options sa UITF, may money market, balanced fund, at equity. Bawat isa ay may kanya kanyanv risk para sa karagdagang impormasyon subaybayan ang aking susunod na post.
INSURANCE ENDOWMENT
Ang insurance endowment ay isang klase ng insurance kung saan mag babayad ka ng premiums sa loob ng ilang taon at kapag walang nangyari sa iyo sa loob ng covered years makukuha mo ang account value ng insurance. Magulo ba? ganito ang halimbawa nita, abg BPI ay may philam-bpi insurance kung saan magbabayad ka ng 20000 bawat taon sa loob ng 11 taon. Ito rin ay insurance kung saan entitled ka sa death benefit na 500,000. Kapag walang nangyari sa iyo, makukuha mo ay minimum of 224000, depende sa pecentage na nakuha ng stocks kung saan nila ininvest ang premiums na binayaran mo. Para sa additional information, subaybayan ang aking susunod na post.
STOCKS
May tatlong paraan para kumita sa stocks trading ; trading, dividebd, at capital gain. Ang pag uusapan natib ay ang capital gain kung saan mag – iinvest ka ng long term sa stocks. Ito ay iba sa trading jung saan kailangan mong imonitor ang stock market. Ang ating pag uusapan ay isang paraan jung saan puwede kang kumjta kahit wala kang alam sa stocks. Ang mga impormasyon na ito ay mula kay Bo Sanchez, ang pag invest sa stock ay dapat long term, yung pangmatagalan. Ganito ang halimbawa, bumili ka ng stocks ng kumpanya mula sa top 10 best companies sa Pilipinas o tinatawag nila na blue chip. Halimbaw bumili ka ng 10 shares of stock sa jolibee ngayong taon at ang presyo ng stock ay 200. After 3 years ang presyo na ng stock ng jolibee ay 400. Kapag tininda mo na ang iyong shares of stocks na 50 pieces kikita ka ng P4000. Ang dati mong 2000 ay 4000 na, parang maliit lang na halaga di bapero kapag gawib itong realidad at ang ininvest mo ay P300, 000 ito ay magigibg P600, 000 na sa loob lamang ng tatlong taon. Posible ba ito o katang isip lamang? Ito ay base stocks mismo ng Jolibee. noong 2011 ay P89 anbg presyo ng Jolibee, ngayong 2015 ay P 192 na ang presyo ng stocks niya. Kung naginvest ka noong 2011, doble na ang pera mo pag tininda mo ngayon.
Ano ano ang mga blue chip companies
PLDT
Jollibee Food Corporation (JFC)
Ayala land
BPI
BDO
SM holdings
Manila Water Company
Mas maganda kung bibili ka ng shares nila per month o every 2 months o every 4 months hindi dapat minsanan lang ang pagbili. Bakit huwag minsanan? ito at dahul mas marami kang mabibiling stocks kung gagamit ka ng peso cost averaging (PCA), ano ito? Ito ay ang pagbili ng stocks sa iba’t ibang dates upang ang stocks na makukuha mo ay average ng stocks base sa pagtaas at pagbaba ng stocks. Ipaliwanag natin base sa halimbawa, mayroon kang P100,000 atkung gusto mong mag invest sa stocks ng Jolibee. Kung ang presyo ng stock ng Jolibee ay 200 at bumili ka ng minsanan na 100,000 ang stocks na makukuha mo ay 500 shares. Pero kung iaaply mo ang PCA at buwanan kang bibili, ganito ang mangyayari kung halimbawa hinati mo ang 100,000 sa apat na buwan kung saan bawat buwan ay kukuha ka ng P25000 worth na stocks.
January ang presyo ay P200 stocks na makukuha ay 125
February P198 – 126 stocks
March P200 – 125
May P195 – 128
Ang makumuha mong shares sa 100,000 mo ay 504 shares. Inaaply ang PCA dahil hindi natin alam kung kelan bababa o tataas ang presyo ng stocks. Ang isa pang benipisyo ng stocks ay ang dividends kung saan may income kang kaunti mula sa company.
Ang mga ilustrasyon dito ay overview o pangkalahatan lamang, kung nais mo pang matutunan ang basic sa sticks ay subaybayan ang aking next article.
Leave a Reply