High Interest Savings Account Philippines.
Sa aking nakaraang post tungkol sa Investment para sa OFW ay natalakay natin ang mutual funds at stock market. Ngayon naman ay ating talakayin ang mga ” High Interest Savings Account Philippines ” o mga savings account sa Pilipinas kung saan kikita ka ng malaking interest. Ang payo ng mga financial experts ay mag-ipon din ng emergency fund kung saan kukunin ang mga hindi inaasahang gastusin tulad ng tuition fee, hospital bills, at iba pa. Ang emergency fund ay dapat readily available kaya hindi dapat iniinvest, pero may paraan ba para makaipon ito ng interest at madaling makuha kung kailangan? Ang mga sumusunod ay Savings account na may mataas na interest.
High Interest Savings Account Philippines
1. BPI Family Savings Account –
Ang interest kada buwan ay .5% to 1.750%. Take Note na BPI Family Savings account ito hindi BPI Direct o BPI lamang dahil ang nasabing dalawang BPI ay .25% ang kanilang lowest interest rate.
2. BPI Family Savings Bank Maxi-savers Account
Ang kagandahan ng Maxi-Savers ay may bonus ka na .5% every month kung hindi ka magwi-withdraw sa buwan na iyon. Ang .5% ay maidadagdag sa base na interest rate ng BPI from .25% to 1%.
3. Security Bank Money Builder
Aabot ng 1% ang interest rate kung walang withdrawal sa isang taon. ang kagandahan nito ay may bonus interest rate na .5% every month kung walang withdrawal that month plus .4% bawat ikaapat na buwan kung walang withdrawal sa loob ng apat na buwan na iyon:
4. SB eSecure Savings Account
Dito ay kailangan mo munang magbukas ng account Easy Account/ All Access at mag-invest sa eSecure online. Ang interest rate ay aabot ng 1.1% depende sa halaga na inilagay mo. Maaari kang magwithdraw ng isang beses kada buwan at hindi bababa ang interest rate.
Para sa 1 – 3 na bank Deposits meron kang Php 500,000 insurance mula sa PDIC. Ito pa lamang ang aking latest list para sa inyong nais mag-ipon ng pera para sa hinaharap. Kung may katanungan kayo ay magcomment lamang po at akin itong sasagutin.
Cheers!
Leave a Reply