Help if Philippine Passport Lost or Mutilated
Paano kung nagpa-schedule ka na ng renewal at hindi mo mahanap ang Passport mo o kaya ito ay nasira? Ano ang gagawin mo. Madalas yung iba hindi na nila irerenew o hahayaan na lang hanggang kailanganin nila ang Passport. Kapag nangyari ito, huwag mag-alala dahil may solusyon dito.
Anong gagawin mo kapag ang iyong Philippine Passport ay nawala o nasira?
Ano ang considered Lost or Mutilated?
Ano ang considered lost? Ito ay lost kapag hindi mo maipakita ang iyong Passport kapag ito ay irerenew dahil:
- Nawawala
- Nanakaw
- Itinakbo ng agency
- Itinakbo ng employer
- At iba pa
Ano and considered Mutilated? Ang Passport ay mutilated kapag ito ay nasira, nasulatan, napunit o nabasa. Kadalasan, kahit kaunting sulat o punit lang ay considered mutilation na ito.
Help if Philippine Passport Lost or Mutilated
Ano ang solusyon kung Lost o Mutilated ang iyong Passport?
Kailangan mo lamang ng Affidavit of Loss o Affidavit of Mutilation na nanotaryo ng abogado. Ano ba ang nilalaman ng mga affidavit? Dito ay ikukwento mo ang dahilan kung bakit nawala o nasira ang iyong Passport. Kaya huwag mabahala kung para kang iniinterview ng gagawa ng iyong Affidavit. Ang Affidavit ay hindi dapat basta-basta lang dahil kung hindi kuntento ang DFA ay pagagawin kayo ulit.
Naalala ko tuloy nang nagpagawa ako ng Affidavit of Loss sa kakilala ko, nang nasa DFA Baguio ako ay hindi tinanggap dahil daw kulang. Kahit pala na notaryo na ay hindi pa rin tinatanggap kung hindi nila gusto ang pagkapaliwanag. Buti na lang ay may Law Office sa loob mismo ng SM Baguio, Serbisyo Abogado ang pangalan niya tabi ng Dunkin Donuts malapit sa Payless Shop. May kamahalan nga lang kasi P350.00 ang affidavit nila pero atleast hindi ko na kailangang bumalik sa Manila para ipaedit ang notarized kong Affidavit.
Pagkatapos kung makuha ang Affidavit of Loss ko, mga less than 20 minutes din yun, marami rin kasi nagpapagawa ng Affidavit noon. Kinuha lang ang Affidavit ko, binasa at tuloy ulit ang process. Ganun lang. Nabalitaan ko nga sa mga kasama ko na may mga kakilala sila na hindi rin tinanggap ang Affidavit kasi daw kulang o kaya walang apology at kung ano pa.
Kaya kung magpapagawa kayo ng Affidavit, doon kayo magpaggawa sa Law Office na malapit sa DFA offices para madaling ipa-edit. Kasi ang hirap ng paulit-ulit na gastos.
Help if Philippine Passport Lost or Mutilated
Kaya hayan, share ko lang ang experience ko sa renewal ng Passport.
Truly yours,
Joyce
Leave a Reply