Gumawa ng Natural Homemade Lotion – aking natutunan bilang isang minimalist. Sa natalakay natin na maging minimalist 1, 2 at 3 ay natutunan natin ang less is more. Ang paano maging minimalist 4 ay tumutukoy sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman na hindi kinakailangang related sa ating kurso o trabaho.
Bakit kailangang matuto ng bagong bagay?
Ang pagtuklas ng bagong kaalaman ay makakatulong upang lumawak ang ating kaalaman at magkaroon tayo ng wisdom. Sa pagkatuto ng mga bagong bagay ay maaring makatuklas tayo ng kasagutan sa mga problemang hindi natin alam na meron tayo. Makakatulong din ito para tayo ay makatipid ng pera at makaipon. Sa aking research ay natutunan ko kung paano Gumawa ng Homemade Lotion.
Bakit mahalagang Gumawa ng Natural Homemade Lotion?
Natutunan ko na ang lotion na ginagamit natin ay pumupunta sa ating dugo. Kung mapapansin ninyo ay napakaraming list of ingredients ng mga lotions na tinitinda sa grocery stores. Marami sa ingredients doon ay chemical na nakakasama sa ating kalusugan kaya’t mas mabuting natural ingredients ang gamitin. Isa sa balakid sa paggawa ng homemade lotion ay ang source ng ingredients. Kaunti lamang sa ating bansa ang nagtitinda ng mga kailangang raw materials. May kamahalan ang raw materials pero ang 500grams na ingredients ay kasya na para sa maraming buwan. Ang sumusuno na recipe ay kung paano Gumawa ng Natural Homemade Lotion Bars:
Gumawa ng Natural Homemade Lotion Bars:
- Ingredients:
- 100 g Shea Butter or Cocoa butter or mix
- 100 g Virgin coconut oil
- 100g Beeswax (150-200g kung gusto mo ng mas matigas na lotion)
- 10 drops Lavender essential oil
Materials:
- Tin can o water proof glass – pwede ring gumamit ng malinis na lata
- Water proof jar o kahit anong lalagyan ng lotion na hindi natutunaw sa init, maaari ring gumamit ng silicone mould pero ang siliscone mould ay mahal. Kung nais ay maaaring ideretsong ibuhos ang lotion sa napiling container ng lotion.
- Kaldero na may tubig.
Paano Gumawa ng Natural Homemade Lotion Bar:
- Ilagay sa heat proof glass o tin can ang butter, coconut oil, at beeswax. Ang tin can ay nabili ko sa baking section ng department store kung saan P49 lang siya. Kung ang beeswax ay nasa bloke ng porma, kaskasin sa maliliit ng piraso para mabilis matunaw.
- Ipakulo ang kaldero na may tubig at ilagay ang tin can sa loob ng kaldero. Iwasang mabasa ang loob ng tin can. Hintayin na matunaw ang nasa loob ng tin can at haluin ang nasa loob.
- Kapag natunaw na lahat ng ingredients ay ilipat na ito sa silicone mould o iba pang lalagyan ng lotion.
- Patakan ng 10 drops ng napiling essential oil tulad ng lavender. Puwede ring hindi lagyan ng essential oil kung wala ka nito.
- Hintaying matuyo ang lotion. Maghintay ng mga 2-3 hours. Kapag tuyo na ang lotion ay puwede na itong gamitin.
Saan makakabili ng Ingredients para sa Natural Homemade Bars:
Check my FB account for ingredients: ikigai.simplicity
http://www.ikigaisimplicity.com/price-list-raw-materials-december-2016/
Leave a Reply