Bakit Mahalaga ang habit?
Form a habit to Reach your Goal
Ito ay hango sa libro ni Leo Bautista na “The Habit Guide”. Ang message nito ay isang epektiboing paraan para makamit natin ang ating goals sa buhay. Ayon sa kanya, makakamit natin ang ating goals sa buhay kung gagawin nating habit aangmga hakbang para sa ating goals. Kapag sinanay natin na gawing bahagi ng araw – araw na buhay natin ang simpleng acivities para makamit natin ang goals natin ay hindi tayo susuko at makakmit natin ito.
Introduction
Bakit Mahalaga ang habit?
Madalas gusto natin ng pagbabago sa buhay – gusto nating makaipon, magpapayat, mag-quit sa bad habits tulad ng paninigarilyo. Gusto nating magtravel sa iba’t ibang lugar pero hindi tayo nakakaipon. Gusto nating magdiet pero sa kalagitnaan ng isang buwan ay babalik na ulit tayo sa dati nating gawain at kakalimutan na ang diet. Marami tayong gustong gawin pero sumusuko tayo agad. Bakit nga ba tayo sumusuko agad? May solusyon ba para magawa natin ang mga gusto nating gawin?
Isa sa paborito kong author na si Leo Bautista ng zenhabits.com ay nagsabi na para magawa natin lahat ng gusto natin ay gawin natin itong isang habit. Isang habit na awtomatikong ginagawa ng katawan natin dahil nakasanayan na natin ito. Halimbawa, kung naging habit natin ang pagtabi ng P20 sa isang araw para sa ating ipon at naging ugali mo nang gawin ito sa araw-araw puwede mo na itonng pataasin sa P100. Kung sasanayin natin ang ating sarili na gawing habit ang mga hakbang sa pag-achieve natin nang ating goals sa buhay, hindi tayo agad susuko.
Bakit Mahalaga ang habit?
1. Kung gusto mong maabot ang iyong goal, puwede mong sabihin na “gagawin ko ang dapat kong gawin para makamit ito” at ipapasa – Diyos na magagawa mo ito. O puwede kang gumawa ng habit na magdadala sa iyo sa iyong goal – tumakbo araw-araw kung gusto mong makatapos ng marathon, magpractice sa araw-araw kung gusto mong matutong mag gitara.
2. Kung lalagyan mo ng effort at focus ang paggawa ng bagong habit sa isang buwan ay magiging automatic na ito. Ginagawa mo kahit hindi mo iniisip gawin at magiging bahagi na ito ng pamumuhay mo. Hindi mo na kailangang kombinsihin ang iyong sarili para gawin ito, sa halip ay hindi buo ang araw mo pag hindi mo ito ginawa.
Kapag nakabuo ka ng isang habit sa isang buwan, puwede mo na itong dag-dagan sa susunod na buwan. Sa isang taon ay magkakaroon ka ng 10-12 habits na magdadala sa iyo sa iyong goal.
3. Habang gumagawa ka ng bagong habit, matuto ka kung anong kapaligiran ang tumutulong sa pagbuo mo na habit. Ano ang mga balakid, distractions, at kung paano mo ito malulusutan.
Ang pinakamahalagang rason kung bakit ka magfofocus sa bagong habit ay ito :
Kung kaya mong panatilihin ang isang maliit na pagbabago sa iyong buhay, matututo kang pagkatiwalaan ang iyong sarili.
Ang suggestion ni Leo Bautista ay magfocus sa isang maliit na pagbabago. Yun lang, maliit na pagbabago na napakadali at hindi mo sasabihin na “ayoko na dahil mahirap” ang sasabihin mo ay “kaya ko ito dahil madali”. Isang maliit na pagbabago na masasabi mo sa iyong sarili na kaya mong pagkatiwalaan ang sarili mo na magbago. Sa pamamagitan nito, binubuksan mo ang iyong pinto sa marami pang pagbabago.
[…] Form a Habit, Reach your Goal […]