Nais mo bang mabuhay ng mapayapa at walang problema sa pera? Huwag maging Guarantor o Surety (co-maker) ng utang ng iba kahit na kamag-anak mo pa siya.
Bakit Huwag Maging Guarantor or Surety ng Utang?
Kapag ikaw ay naging Guarantor o Surety humanda ka nang bayaran ang utang ng ibang tao. Maraming tao ang nababaon sa utang dahil sa perang hindi nila nagamit. Ang guarantor at surety ay nagsasabi sa mga creditors (nagpautang) na sila ang magbabayad para sa kanilang kaibigang nangutang (debtors) kung sakaling hindi sila makabayad. Kung ikaw ay Guarantor, ikaw ay sisingilin ng creditor pag wala ng ari-arian ang pinautangan. Kung wala siyang ari-arian, ang guarantor o surety ang kakasuhan sa korte para magbayad. Kung Surety ka, kahit milyonaryo ang iyong kaibigan ay pwede kang singilin ng utang ng creditor.
Halimbawa:
Si Alice ay kaibigan ni Becky. Nangutang si Becky ng PHP 5 Million kay Danny. Dahil walang bahay o lupa na pang collateral si Becky, nakiusap siya kay Alice na maging Guarantor niya. Pumayag si Alice dahil bestfriend niya si Becky. Ginamit ni Becky ang PHP 5M para makapag aral sa Australia. Nangutang si Becky kay Edgar ng Php50,000 at kinuha niyang surety o co-maker si Alice. Pumayag si Alice dahil alam niyang kailangan ni Becky ang pera pampa-ospital. Pinangbayad ni Becky ang Ph50k sa kanyang plastic surgery sa South Korea. Nag abroad si Becky at hindi na bumalik sa Pilipinas. Si Alice ay naiwan sa Pilipinas. Due date ng utang ni Becky, ano ang gagawin ni Danny at Edgar.
Ito ang kanilang gagawin:
Option ni Danny:
Kakasuhan ni Danny si Alice para magbayad ng PHP 5M. Dahil walang lupain si Becky sa Pilipinas, wala ng magagawa si Alice kung hindi magbayad kay Danny.
Option ni Edgar:
Kakasuhan din ni Edgar si Alice para magbayad ng Php50,000.
Si Alice ay nabaon sa utang habang si Becky ay nasa Australia na at laging nagpopost ng pictures ng kanyang travels sa Instagram. Tandaan na walang nagamit na pera si Alice pero siya ang nabaon sa utang.
Huwag tularan si Alice na nag guarantee at nag sutety ng utang. Sabi nga sa bubiliya:
Ano ang gagawin mo kapag ikaw ay nakapag guarantee/surety ng utang?
Mahahati sa tatlong paraan ang maari mong gawin kapag ikaw na ay sinisingil ng creditors ng iyong pinahiraman ng pangalan:
- Kung ikaw ay Guarantor – Kapag ikaw ay kinasuhan ng creditors at alam mo na may mga ari-arian ang nagkakautang sa kanila, sabihin sa creditor na ang debtor ay may ari-arian sa Pilipinas na puwedeng marimata o itinda pangbayad utang.
- SURETY (CO-MAKER) – Kapag ikaw ay nakasuhan na at nagbayad na ng utang o hindi pa makapagbayad sa utang ng iba, kasuhan mo ang debtor (nagkakautang) upang makasingil ka. Ipatinda mo ang mga ari-arian niya sa Pilipinas pangbayad sa iyo.
- Guarantor o Surety na Walang Ari-arian sa Pilipinas – Kasuhan mo pa rin upang magbayad sa iyo. Kapag wala siyang pera, wala kang makokolekta at ikaw ang mananagot sa utang niya.
Huwag mong ilagay sa langanin ang buhay mo at ng pamilya mo. Huwag tumanggap ng guaranty at surety para sa kahit sino, maging kamag anak pa siya. Tumanggap lang kung nais at kaya mong bayaran ang utang ng ibang tao.
Leave a Reply