FREE FINANCIAL LITERACY ONLINE COURSE ( IN FILIPINO)
Lesson 1
Welcome sa lesson 1 ng ating 30 Lessons. Para malaman ang tungkol dito START HERE.
Kaibigan, kailangan mong unahin ang paglalaan ng salapi para sa iyong sarili bago ang ibang gastusin. Pay Yourself First – ito ang isa sa unang maririnig mo na advise ng mga successful entrepreneurs. Ayon sa napakaraming advisors at millioinares kailangan mong magtabi ng 20% ng iyong income bawat buwan. Ito dapat ang una mong unahin bago ang mga bills at mga expenses.
Maraming tao ang iniipon lang kung may matira sa kanilang suweldo pero mali ito. Naiintindihan ko na gusto mong unahin ang iyong pamilya bago ang iyong sarili pero kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili bago ka makatulong sa ibang tao. Bago ka magpadala ng pera sa iyong pamilya, magtabi ka ng 20% ng iyong income para sa sarili mo.
BAKIT KAILANGAN MONG BAYARAN MUNA ANG IYONG SARILI (pay-yourself-first)?
- Ikaw ay hindi habangbuhay bata, darating ang araw ay ikaw ay tatanda. Kapag ikaw ay matanda na hindi ka na makakapagtrabaho. Kapag wala kang trabaho, wala kang income. Saan ka kukuha ng pang ospital, pagkain, at panggastos sa araw-araw? Sa pagtanda mo, ang mga anak mo ay may pamilya na sila na kailangang alagaan, ang mga kapatid mo ay ganun din.
- Nais mo bang maging OFW o magingempleyado habang buhay? Wala kang freedom. Wala ka bang pangarap tulad ng pagretiro na hindi iniisip ang pera? Hindi mo ba pinangarap na makapag travel o magtayo ng charity?
- Kapag nagkasakit ka, saan ka kukuha ng pera pangbayad sa ospital? Kung may emergency, saan ka kukuha ng pangbayad? Paano babayaran ng iyong mga iniwan ang iyong hospital bills kungwala ka na nagbibigay sa kanila ng pera buwan buwan? Kapag ikaw ay nabaldado o hindi na makapagtrabaho, may magagamit ka ba para sa sarili mo?
- Masakit man isipin, hindi lahat ng pamilya ay perpekto. Kahit iisipin mo na aalagaan ka ng iyong pamilya sa iyong pagtanda o kapag nabaldado (injury) ka, sa totoong buhay ay maraming iniiwan ng pamilya kapag hindi na nila mapakinabangan ang isang tao. Masakit man isipin, nangyayari ito sa maraming tao.
- Sabihin na nating tinutulungan ka ng iyong pamilya, nais mo bang maging pabigat sa kanila kapag ikaw ay wala ng pera.
- Sa totoong buhay, napakarami kong kliyente na walang ipon kahit napakatagal na sa abroad. Matanda na sila ay kumakayod pa sila dahil hindi sila makaretire dahil wala silang pera at kailangan pa ng mga kamag-anak nila ng pera. Sa loob ng 360 days, 60 days lamang ang naging bakasyon nila. Ngayon ay maraming baon sa utang at walang makuhanan ng pangbayad. Maiiwasan ito kung mayroon silang ipon.
PAANO MAGING MAKASARILI PAG DATING SA PERA?
Isang disiplina lamang ang isa alang-ala, pag katanggap ng income mo ilagay ang 20% sa bangko o piggy bank kung wala ka pang bank account. Alam kong mahirap ito lalo na kapag napakarami mong dapat bayaran tulan ng renta, tuition fee, internet, load, kuryente, tubig, pagkain, at marami pang iba.
Ayon kay Robert Kiyosaki nagkaroon siya ng punto kung saan siya ay na-bankrupt. Kahit wala na siyang pera ay inuna pa rin niya ang kanyang 20% savings, ayon sa kanya ang income niya ay napupunta sa savings-charity-investment budget. Tinanong siya ng accountant kung bakit, ang sagot niya ay kung huli ang kanyang bills mas makakapag-isip siya ng paraan kung paano gagawa ng source of income. Ang topic na ito ay babanggitin sa mga susunod na araw.
Maglaan ng 20% ng iyong income para sa iyong savings.
Lesson 1: Pay Yourself First
Leave a Reply