FREE FINANCIAL LITERACY ONLINE COURSE ( IN FILIPINO) :
DAY 1: BAGONG UMAGA
Kumusta!
Welcome sa unang araw ng FREE FINANCIAL LITERACY ONLINE COURSE ( IN FILIPINO) . Para sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ito, maaari niyong basahin ang FREE FINANCIAL LITERACY ONLINE COURSE sa link na ito.
Welcome sa bagong umaga kung saan ikaw ay mamumulat sa katotohanan na ikaw ay maaaring yumaman kahit mukhang imposible pa sa ngayon. Ang Leson 1 ay napaka importante dahil ito ang iyong magiging pundasyon (foundation) para yumaman at maging financially literate.
Ang bagay na ito ang nagpayaman sa napakaraming milyonaryo at bilyonaryo sa buong mundo. Ito rin ang sinulat ni Napoleon Hill sa kanyang libro na “Think Rich, Grow Rich” at ito rin ay naging paksa ni Robert Kiyosaki sa kanyang libro na “Rich Dad, Poor Dad”. Maraming Pilipino ang wala nito kaya marami sa atin ang nananatili na mahirap.
Ano ang bagay na nagpayaman sa mga milyonaryo na wala sa ordinaryong tao?
Parang palaisipan, ano ang meron sa mga mayayaman na wala sa ating ordinaryong tao. Handa ka na bang malaman ang kanilang sekreto?
SECRET #1. WEALTHY MINDSET
Ano ang”Wealthy Mindset”? Ang wealthy mindset ay ang paniniwala na ikaw ay puwedeng yayaman. Maraming Pilipino ang nag iisip na wala na silang ibang patutunguhan at hanggang OFW na lang sila o empleydao habang buhay.
Ang Wealthy Mindset ay ang paniniwala mo sa iyong sarili na ikaw ay maaaring yumaman
Ang mga Pilipino ay sanay sa kaugalihan na mag-aral ka para ikaw ay maging empleyado ng gobyerno o kaya mag-abroad ka para yumaman ka. Sa aming pamilya ang tanging paraan para umahon sa hirap ay maging empleyado ng gobyerno, hanggang ngayon ay ganun pa rin ang pag-iisip ng aking magulang. Bakit hindi ka mag-apply sa gobyerno para may pension ka? Ito ang isa sa mga paksang tinalakay ni Robert Kiyosaki sa “Rich Dad, Poor Dad”. Ang kanyang ama ay may PhD sa education at naging head ng Department of Education pero siya ay nanatiling mahirap hanggang sa kanyang retirement. Samantalang ang kanyang “Rich Dad” na walang PhD ay naging milyonaryo.
Ano nga ba ang dapat mong isipin? Kailangan mong kumbinsihin ang sarili mo na ikaw ay yayaman kahit hindi ka mag-abroad o maging empleyado ng gobyerno. Nagawa ito nina Henry Sy, Gokongwei, at halos lahat ng milyonaryo sa Pilipinas. Sila ay nagsimula sa hirap pero sila ay naging mayaman dahil sa kanilang wealthy mindset.
“Ako ay YAYAMAN” – itatak mo ito sa iyong utak.
Ikaw ay may potential na yumaman, kaya mo ito at maaari mong makamit. Ito ang ating unang lesson. Isipin mo na kahit nasaan ka ngayon, ikaw ay maaaring yumaman. Huwag mong isipin na imposible, buksan ang iyong isip.
Tandaan na lahat ng milyonaryo o bilyonaryo sa mundo ay nagsimula sa hirap. Kahit ang multi-billion company ng coca-cola ay nagsimula sa isang idea lamang. Ang tanging sumasagabal sa pag unlad mo ay ang limitasyon mo sa sarili. Marahil narinig mo na ito ng paulit-ulit, pero uulitin ko ulit – maaari kang yumaman. Hindi dahil OFW ka o minimum wage worker ay imposible na yumaman.Napakaraming paraan para yumaman at ang mga ito ay mailalahad sa mga susunod na lessons.
Ang unang lesson na ito ay tila binhi na tutubo sa iyong puso at magbubukas sa iyo sa bagong bukas na tinatawag na tagumpay:
Leave a Reply