Dapat Tandaan Bago Pumuntang Singapore. Para sa mga Pilipinong nais pumunta sa Singapore, narito ang listahan na dapat malaman bago pumunta sa Singapore. Ang mga ito ay makatutulong sa iyo para ma enjoy mo ang iyong tour sa nasabing bansa.
Mga Dapat Tandaan Bago Pumuntang Singapore
1.Magsimula tayo sa batas ng Pilipinas, hindi kailangan ng Visa bago pumunta sa Singapore. Subalit kailangan mo munang magbayad ng TRAVEL TAX na Php 1620 (unless isa ka sa reduced tax o travel exemptions). Kailangan mo ring magbayad ng Php 750 (from Php 550) na Airport Terminal Fee, take note na ang ibang Airlines tulad ng Cebu Pacific ay sinama na ang Terminal Fee sa “all in” Tickets nila. Hanapin kung may nakasulat na “Passenger Service Charge” sa ticket (online o actual ticket) para malaman kung kasama ang Terminal Fee sa binayaran na ticket. Mandatory ang travel tax at maaaring bayaran sa Department of Tourism na malaapit sa inyong lugar. Siguraduhing kunin ang receipt ng travel tax dahil ipapakita ito sa Check in.
2. Dadaan ka sa immigration ng Pilipinas at Singapore. Sa Singapore magfill out ng form at ipresent sa immigration.
3. Bawal ang Bubble Gum sa Singapore at huwag magdala ng Bubble Gum doon.
4. Kumuha ng Singapore Tourist Pass sa mga ticket counters sa MRT station para makatipid sa pamasahe. Magagamit ang Pass sa MRT at SBS Buses. Para sa karagdagang kaalamn tungkol sa Tourist Pass basahin dito. Tandaan na bawat Tourist pass ay para lamang sa isang tao. Puwede ring bumili ng EZ Link card kung kabisado mo na ang MRT o hindi mo kinakailangang sumakay masyado dito.
5. Expect na mahal ang bilihin, halimbawa ang 600ml na tubig ay S$2 (Php70). Mahal ang tubig doon at sa Universal Studios at Sentosa lamang may refilling stations (Drinking Water Station kung saan puwede kang mag refill). Laging magdala ng tubig dahil maiinit sa Singapore.
6. Dapat Tandaan Bago Pumuntang Singapore na doon ay lakaran kaya magsuot ng comfortable shoes tulad ng rubber shoes, iwasang mag stiletto o hills na matataas.
7. Magdala ng damit pang summer dahil mainit doon. Mas makabubuting huwag gumamit ng maong sa iyong tour. Kahit anong isuot mo ay wala namang pakialam ang ibang tao. Mas makabubuting magsuot ng shorts, dress o maninipis na damit.
8. Magdala ng bimpo o maraming tissue. Maaaring kumuha ng tissue sa mga comfort rooms na nagkalat sa Singapore.
9. Karamihan ng Comfort Room doon ay automatic na nagfa-flush.
10. Bumili ng tickets sa CebAir sa Lucky Plaza para makamura.
11. Alamin ang MRT at LRT system
BONUS: Free ang MAPA ng Singapore sa Airport, kumuha lang doon.Dapat Tandaan Bago Pumuntang Singapore.
Leave a Reply