Dapat Malaman bago kumuha ng Credit Card 2 ay part 2 ng Dapat Malaman bago kumuha ng Credit card . Sa unang part ay pinag – aralan natin ang risk ng interest at annual fees. Ngayon naman ay pag-aaralan natin ang part 2 ng nasabing credit card. May advantage din ang credit card pagdating sa Statement of Account. Kung gusto mong magloan sa bangko o kaya kumuha ng mga postpaid plans ay maaari mong ipakita ang Statement of account ng iyong credit card para sa iyong financial credibility. Base kase sa Statement of account mo ay makikita nila kung nagbabayad ka ba ng utang mo. Kaya kung gusto mong pagandahin ang credit score mo ay maaari kang kumuha ng credit card para meron kang Statement of account. Ngayon, paano ka nga ba makaka-apply ng credit card?
1. Dapat Malaman bago kumuha ng Credit Card 2 – Easy Credit Card
Bago ka magpanic kung saan kukuha ng napakaraming paper requirements ay alamin mo muna ang bagong ang easy Credit Card applications kung saan puwede kang magkaroon ng credit card na hindi kinakailangan ng mga Proof of Income.
Ang requirement lamang maliban sa valid ID ay mag open ng account at magdeposit ng required minimum account.
Narito ang mga Bangko na may easy credit card applications:
1. BPI Express Credit Card
Sa halagang P12,500 ay maaari kang kumuha ng Credit Card na may P10,000 card limit. Puwede itong lumaki depende sa iyo. Kailangan mong magdeposit ng P12,500 collateral para makakuha ka ng Credit Card. Ganun lang kasimple. Maganda ang Express Credit Card para sa mga taong nais magbuild ng credit score (credit credibility). Kung maganda ang performance mo sa Express Credit Card, puwede ka ng kumuha ng regular credit card. Kung gusto mo na pag-aralan ang tamang paghawak ng pera gamit ang credit card ay simulan mo sa Express Credit Card kung saan pag di ka nakabayad ay kukunin nila ang P12,500 mo. Ang BPI at RCBC ay nag-ooffer ng Express Credit Card.
2. Fast Track Credit Card Security Bank
Mag open ka lang ng all access account o time deposit at maapprove ang iying application within Three (3) days.
2. Dapat Malaman bago kumuha ng Credit Card 2 –
Laging Magdala ng valid ID
May mga establishments na humihingi ng ID pag gagamit ng credit card kaya laging magdala.
Tandaan din na maraming Establishments ang may ayaw ng credit card. Kaya meron silang discounts kung cash ka magbabayad. Halimbawa, nais kung bilhin ang regular samsung cellphone sa isang shop worth Php 1000, nakadiscount siya ng Php 800. Nang iprepresent ko ang ePrepaid card ko sabi nila na kapag cards (debit o credit card) walang discount yung product nila. Lugi diba? Madalas din sa bookstore na mas mura kesa sa National Bookstore e hindi sila tumatanggap ng kahit anong card
3. Mas mura sa shops na hindi tumatanggap ng Credit Card –
Madalas na mas maraming shops na mas mura kesa sa kilalang stores pwro hindi tumatanggap ng credit card. Sa ilang shops, may designated counter para sa mga may Credit cards. Kaya kahit maikli ang pila sa “Cash” Cashier ay pumila pa ako sa “Card/Cash” Cashier, ang nakakainis pa e ang mga nasa sa Card section ay yung may mga patong-patong na shopping cart.
Dapat Malaman bago kumuha ng Credit Card 2 – Basahin ang Bank Secrets na dapat mong malaman.
Leave a Reply