Dapat Malaman Bago Pumasok sa Law School Part 2
Sa ating Part I, naitala natin ang mga habits at paraan para mapadali ang law school, ngayon ay tatalakayin natin ang isang importanteng aspeto sa iyong buhay na dapat mong isa alang-ala.
Bago ka pumasok ng law school ay ihanda mo ang iyong MENTAL HEALTH. Ang iyong mental health ay napakahalaga dahil ito ay maaaring masira habang ikaw ay nasa law school.
Kailangang meron kang health mindset bago pumasok sa law school. Kung meron kang mental illness, depression, anxiety disorder, at iba pang mental problems huwag ka ng pumasok ng law school. Sa unand dalawang taon ko sa law school ay nasaksihan ko ang mga sumusunod: (a) Isa sa aming batch mate ang kailangang huminto dahil siya ay nagkaroon ngmental break down at kailangang ipatingin sa psychiatrist. (b) Ang aking kaibigan at kaklase ay nag suicide noong kami ay second year. (c) Ako ay nagkaroon ng depression/anxiety dahil sa pagsuicide ng aking kaklase.
Upang mapangalagaan ang iyong mental health, narito ang ilang tips na makakatulong sa iyo sa law school.
Dapat Malaman Bago Pumasok sa Law School Part 2
MEDITATION – Maaari kang matuto ng meditation for free sa Headspace app. Kung nais mong magsubscribe sa kanilang premium services (aking nirerekomenda) kailangan mo lamang magbayad ng PHP129 kada buwan.
RELAXATION– Ang law school hindi dapat puro aral. Kailangan mo ring maglibang, maaari kang lumabas kasama ng iyong mga kaibigan paminsan minsan. Isa sa aming mga seniors (senpai) ang nagrekomenda ng massage at spa. Sumali sa mga outing at mga recreation activities. Maglaro ng computer games kung ito ay nagpapasaya sa iyo. Huwag lang magbabad sa libro.
SLOW DOWN – Kung ikaw ay puno ng pressure at anxiety, huwag matakot mag bakasyon. Huminto muna sa pag-aaral at maghanap ng ibang libangan. Huwag mong isakripisyo ang iyong kalusugan para sa law school.
QUIT – Kung ang pagiging lawyer ay hindi mo pangarap at ito ay pangarap ng iyong mga magulang, huwag kang pumasok sa law school. Hindi ka magiging masaya. Sabi nga ng aking mga professors, sila dapat ang mga-enroll hindi ikaw. Hanapin mo muna ang gusto mong gawin sa buhay at pag-isipang mabuti kung bakit gusto mong maging abogado.
Ayan ang aking Advice bago ka pumasok sa law school.
[…] Dapat Malaman Bago Pumasok sa Law School Part 2 […]