Dapat Malaman bago Mag-Apply ng Post-Paid Plan. Dito sa post na ito ay nalaman natin ang mga dapat malaman bago kumuha ng credit card, sa post na ito ay ang mga Dapat Malaman bago Mag-Apply ng Post-Paid Plan. Marami sa atin ang nae-engganyo sa promo ng mga network companies kung saan may “libreng” cellphone daw ang kanilang post paid plan. Naisipan mo bang mag apply ng post paid plan dahil akala mo e makukuha mo ang cellphone na sabi nilang libre pagkatapos ng plan mo? Kung oo ang sagot m, nagkakamali ka.
Dapat Malaman bago Mag-Apply ng Post-Paid Plan
1. Pagkatapos ng plan mo ay madedeactivate ang “libreng” cellphone mo at hindi mo na ito magagamit kahit dalhin mo pa sa mga repair shop. Magiging dead phone na siya. Dahil ang totoo, gumagana lamang ang mga cellphone na sabi nilang libre habang epektibo ang plan mo.
Halimbawa, nag apply ka ng post paid plan para sa latest iphone na sabi nilang libre. Mayroon siyang lock-in period na 24 months, ibig sabihin kailangan mo na magbayad every month. Pagkatapos ng 24 months at hindi mo nirenew ang plan mo, ang iphone ay ibloblock na ng network at hindi mo na magagamit. Kapag pinunta mo sa mga repair shop e sasabihin niang sa network ka dapat pumunta.
Ang katotohanang ito ay hindi sinasabi agad ng mga agents sa interesado sa post paid plan. Nalaman ko ang ganitong scheme ng network companies noong sinabi ito sa akin ng aking kaibigan. Nahuli siya dati sa klase namin dahil pinaayos niya ang phone niya sa respectable repair shop, ang sabi sa kanya ay nakablock na ito ng network company at wala na silang magagawa pa dito. Doon niya nalaman na pagkatapos ng plan ay hindi na rin niya magagamit ang iphone na sabi nilang libre.
So, ang iyong Dapat Malaman bago Mag-Apply ng Post-Paid Plan ay hindi talaga libre ang phone na sinasabi nila.
2. Mas makakatipid ka sa Pre-paid Phone
Maraming magsasabi na makakatipid ka sa post paid plan. Ang totoo ay mas makakatipid ka sa prepaid plan dahil mas maraming tipid promos ang mga network companies. Halimbawa ay ang mega250 ng Smart kung saan may unlimited text ka for 1 month, may calls at data pa. Mas makakatipid ka rin kung ikaw mismo ang bibili ng cellphone, iphone, etc. dahil puwede mo pa itong gamitin kahit expire na ang iyong plan.
Isa sa paborito ko na promo ay ang TalknText piso sample kung saan sa halagang piso ay may 5 hours internet ako sa dalwang araw. Ito ngayon ang ginagamit ko sa internet. Ang isa ay ang P150 na 1 month text to all networks plus free calls.
Marami pang sulit offers ang mga networking companies na tatalo sa offer ng post paid plan.
May maibabahagi ba kayong experience sa post paid plan? Ishare niyo sa comment box.
Leave a Reply