Ang financial problem ay tawag sa sitwasyon kung saan ang iyong capital at asset (pera) ay hindi sapat para tugunan ang iyong gastusin (expenses). Marami ang mga Pilipino na nasa bingit ng financial problem. Ano ba ang mga dahilan ng financial problem?
1.Lifestyle – Marami ang gumagastos ng hindi batay sa kanilang suweldo, sa ingles ay “they do not live within their means”. Mas malaki ang gastos nila kesa sa suweldo nila. Bakit sila gumagastos ng higit sa kinikita nila? Ang totoo ay hindi nila ito napapansin, hindi nila napapansin na mas marami silang gastos kesa sa kinikitang pera. Kadalasan kasi ay bili lang ng bili pero hindi nililista nag binibili. Madalas itong nangyayari sa mga may hawak ng credit card at ATM – eps..
a. Bumibili ng hindi kailangan – Isa sa nakagisnan ng mga Pilipino ay ang pagbili ng sobrang gamit. Halimbawa, damit. May mga ilan na bumibili ng damit dahil gusto nila ang disenyo nito pero napakarami na nilang damit na hindi naman nila ito naisusuot. Ang iba naman ay bumibili ng damit para may ibagay sa nabili ng damit.
b. Bumibili ng bagay na hindi afford
2. Adverstisement, Social Media, Mass Media – Hindi man ito napapansin ng marami pero bumibili sila ng gamit dahil inaadvertise ito sa TV at diyaryo. Kung napapansin niyo ay ang newspaper ay puno ng advertisement, bale 30% news at 70% advertisement at press release ang makikita ngayon sa newspaper. Ganun din ang sa TV, mas madami ang patalastas kesa sa pinapanood. Bakit? Dahil gusto ng malalaking kumpanya ang pera mo. Ikaw ay isang ATM machine ng mga mayayaman. Sasabihin nila na kailangan mo ang isang bagay (kahit hindi) para makuha nila ang suweldo mo.
Halimbawa, sasabihin nila na kailangan mo ng samsung, iphone, at bagong gadget dahil ito ang uso. Hindi mo kailangan ng bago pero bibili ka dahil sinabi ng samsung at iphone na uso ang bagong release nilang model. Eto pa, bibili ka ng P6, 000 na relo dahil na-endorse ito ng paborito mong artista, pero may mabibili kang P500 na relo na kaya rin namang magsabi ng tamang oras.
3. Peer pressure – Isa sa pinakamalala at hindi maiwasan ng marami ay peer pressure. Meron akong kaibigan na kapag sinabing manlibre siya ay manlilibre agad. Meron din akong kakilala na bumili ng bagong phone (kahit 2 na ang phone) dahil ang isa sa kasama namin ay bumili ng bagong phone.
4. Credit Card at ATM Card – Kapag ginagamit natin ang credit card o ATM ay hindi natin napapansin kung magkano ang gastos natin. Hindi kasi natin nakikita ang kung magkano na ang nababawas sa pera natin. Magkaiba kapag nakikita mo na wala ng pera sa wallet mo kumpara kapag nakikita mong may ATM ka. Kadalasan pa ay nababaon sa utang ang mga tao dahil kumukuha sila ng credit card pero hindi naman nila alam kung paano ito gamitin. Ang nangyayari tuloy ay ang utang nilang P10 ay nagiging P1000.
Ilan lamang yan sa mga dahilan ng financial problem. Ngayon naman ay tingnan natin ang ilang solusyon.
- Change lifestyle – palitan ang lifestyle, hindi ito madali pero posible. Isa sa pinapakita kong lifestyle ay minimalism kung saan bibilhin mo lamang ang kailangan mo. Kung isa ka sa bili ng bili ng gamit, isipin mo muna kung “Bakit ko ito bibilhin?”, “Kailangan ko ba ito?”, “MAGAGAMIT KO BA ITO NG HIGIT SA DALAWANG BESES?” “May damit ba akong bagay dito?” Dapat ay oo ang sagot mo sa lahat bago mo bilhin.
- Huwag maniwala sa nakikita mo sa TV at iba pa. Huwag kang bumili dahil sa kanila kundi tingnan mo ang ingredients at materials ng binibili. Halimbawa, gatas na bearbrand at Birch tree – tingnan mo ang ingredient at presyo, mas mura ang isa pero hindi siya gawa sa totoong gatas. Mas maraming vegetable oils at arina kesa sa “milk”. Icompare ang branded at generic na item, tingnan ang ingredients laging parehas lang sila pero mas mahal ang isa dahil binabayaran mo ang kanilang advertisement. Hindi lahat ng mahal ay quality products, mahal lang sila dahil mahal ang advertisement.
- Kung laging nagpapalibre at nag-aaya ang mga kaibigan mo ng pagkakagastusan, oras na para maghanap ka ng bagong kaibigan na maruning magtipid. Hindi mo kailangan ng kaibigan na nagdudulot ng financial problem.
Ang mga ito ay ilan lamang sa dahilan at solusyon ng financial problem na isang tao. Basahin ang START HERE, Guide to Wealth at Minimalist Guide para sa mas marami pang kasagutan.
Leave a Reply