Dahilan ng problema sa pera. Marami sa atin ang maraming utang at laging may problema sa pera kahit okay naman ang suweldo. Ang sumusunod ay tatlong malalaking rason kung bakit kulang tayo sa pera kahit kakasuweldo pa lamang natin.
dahilan ng problema sa pera
1. Premature na pagkuha ng asset
Ang isa sa dahilan ng financial problem ka ay ang pagbili ng essets tulad ng bahay, kotse, credit card etc. na hindi kayang bayaran ng buo. Maraming kumukuha ng assests kahit downpayment lang ang kayang bayaran. Dapat alam mo kung saan ka kukuha ng pangbayad mo ng buong loan. Ang kontrata ay kontrata at maaari kang kasuhan kung hindi mo ito tinupad. Tandaan na hindi sapat ang downpayment lang, dapat may source ka ng pagbabayaran. Huwag magtiwala sa mga sales agent.
2. Magkaroon ng lifestyle na hindi ayon sa iyong suweldo –
Ang dahilan ng problema sa pera ay ang lifestyle. Isa sa pangunahing problema ng iba ay ang lifestyle nila na hindi ayon sa kanilang suweldo. Maraming mga social climbers at trying hard na gastos doon at dito, pasyal doon at diyan kahit ang suweldo naman nila ay mababa lang. Karamihang nakikita ang mga ganito sa taong may credit card kung saan bumubili sila ng bagay na hindi talaga nila afford. Ang lifestyle mo dapat ay mas mababa sa suweldo mo. Matutong mamuhay gamit lamang ang 70% ng iyong suweldo. Mas makabubuting mamuhay na minimalist kesa sa magarbong pamumuhay.
3. Madaming naloloko sa scam – Kung too good to be true huwag maniwala, in fact ang 200% return of income sa loob ng isang taon ay hindi kapanipaniwala. Ang mga networking at easy wealth schemes ay hindi totoo. Ang mayayaman ay hindi naging mayaman overnight o sa isang taon lang (maliban na sa pinanganak na mayaman), nagtrabaho at nag-effort din sila bago yumaman. Si Henry Sy ay hindi biglang yaman nagsimula siya sa maliit na sari-sari store.
Leave a Reply