Credit Card Bank Secrets na Dapat mong malaman
Ang credit card ay hindi para may pagkukuhanan ng panggastos sa araw-araw. Ang pangunahing purpose ng Credit Card ay para magkaroon tayo ng magandang credit score.
1. CREDIT SCORE – Ang credit score ay importante ngayon lalo na sa mga professionals na nais mag apply ng loan o financing. Nirerequire na rin ito sa halos lahat ng kumpanya na may kinalaman sa pera.
Ang isa sa pinakamabilis at pinakamabuting paraan para magkaroon ng magandang credit score ay tamang paggamit ng credit card. Kung tama ang paggamit mo ng credit card, positive at mataas ang credit score mo. Ibig sabihin, madaling maapprove ang iyong mga loan applications at maganda ang record mo. Kung mababa ang credit score mo, mahihirapan kang makapagloan at ma-approve sa mga financing companies.
Mga Paraan para magkaroon ng mataas na Credit Score
Narito ang mga top advice mula sa iba’t ibang financial experts:
1. 30% Rule – Gamitin lamang ang 30% ng iyong credit limit. Hindi lamang maagang pagbayad ng utang ang tinitingnan ng mga bangko. Kahit maaga kang magbayad kung laging max out ang iyong card, mababa pa rin ang iyong credit score.
Kapag laging mataas ang gastos mo, ang interpretation ng bangko ay isa kang liability. Para bang hindi mo kayang magmanage ng pera.
2. Ang solusyon dito ay huwag lumagpas ng 30% na credit limit sa 6 months. Matapos ito, hingin sa bangko naitaas ang credit limit mo pero huwag pa ring lumagpas ng 30%.
2. One Credit Card Rule – Hangga’t maaari ay isa lamang na credit card ang kunin mo. Bawat additional credit card ay deduction sa iyong credit score. Pinapakita kasi nito na marami kang balak utangan kahit hindi mo ginagamit ang iba mong credit card. Kaya mas makakabuting isa lang ang gamiting credit card.
3. Old Credit Card Rule – Nakakadagdag ng credit score kung matagal mong ginagamit ang isang credit card. Nakakabawas ng credit score kung papalit-palit ka ng Credit Card.Ibig kasi sabihin ng matagal na paggamit ng credit card ay puwede kang maging long term client ng mga financing company.
4. Puwedeng Ma-waive ang Annual Fees kung maganda ang credit score mo. Laging itanong sa banko niyo na iwaive ang annual fees. Kung maganda ang credit score, puwede nila itong iwaive.
Ilan lamang yan sa mga Credit Card Bank Secrets na Dapat mong Malaman.
Basahin rin ang
Leave a Reply