Bakit dapat matuwa sa bagong 2018 Philippine Coins ? Maraming hindi natuwa sa mga bagong barya na nilabas ngayong 2018. Subalit kahit halos magkakapareha ang itsura ng mga coins natin, may maganda pa ring maidudulot ang pagbabago ng ating coins.
Bakit pinalitan ang ating Philippine Coins ngayong 2018?
Ang pangunahing dahilangbng pagpalit ng ating coins ay para mapigilan ang “nickel extraction” ng ating mga barya. Ang One Peso coin ay may 25% nickel. Ang nickel ay mahalagang mineral at pangunahing sangkap sa stainless steel dahil hindi kinakalawang ang nickel. Maraming foreign countries ang illegal na bumibili ng ating one peso coins sa halagang Php2 hanggang Php3 para tunawin ito at kunin ang nickel. Matapos matunaw ang atinbg barya at makuha nag nickel, tinitinda nila ang mga nickel sa malalaking industriya.
Ano ang epekto ng “nickel extraction” sa ating ekonomiya?
Ang Pilipinas ay isa sa mga nagtitinda ng nickel. Ang taxes at income mula sa nickel industry ay nagpapasuweldo at nagbibigay hanap buhay sa maraming Pilipino. Kapag bumaba ang bumibili sa nickel ay maraming Pilipino ang mawawalan ng trabaho. Ang mga manggagawa ang unang maaapektuhan sa pagbaba ng demand o buyers ng nickel.
Dahil sa pagtunaw ng foreign countries sa ating mga barya, nagkakaroon tayo ng coin shortage. Kung may coin shortage, mapipilitan ang gobyerno na magpagawa ulit ng mga bagong barya. Sa bawat 1 peso, kailangang gumastos ng Pilipinas ng Php2. Sa madaling salita para makagawa ng Php2Million worth of 1 peso coins, gagastos ang mga Pilipino ng Php4Million. Saan ba kinukuha ng gobyerno ang paggawa ng bagong barya? Hindi ba’t sa mga taxes mula sa ating suweldo, sa mga taxes sa mga bilihin. Kung magpapatuloy ang coin shortage, tataas ang taxes lalo na sa mga bilihin, lalaki ang ating kailanganbg pera para makabili ng pagkain.
Ang mga Pilipinong manggagawa ang nahihirapan at ang mga banyaga ang kumikita sa nickel extraction ng ating barya. Sa pagtunaw ng banyaga sa ating barya, kumikita sila ng pera pero ang mga Pilipino ang nag-aambag para makagawa ulit ng bagong barya na siyang tutunawin ulit ng mga banyaga.
Paano makakatulong ang bagong 2018 Philippine coins para mapuksa ang “nickel extraction”?
Ang bagong coins natin ay gawa sa steel at nickel coat plating. Ibig sabihin, halos wala ng nickel ang ating mga barya. Lalagyan na lamang ng nickel plating para hindi mangalawang ang bagong barya. Kaya pare-parehas ang kulay ng ating pera ay dahil ganun ang kulay ng nickel. Ang kulay ng nickel ay parang silver at hindi ito mangangalawang. Ang steel o bakal ang pangunahing sangkap mineral ng ating bagong barya. Dahil mura ang bakal, hindi na magtatangkang nakawin ng mga dayuhan ang ating barya dahil hindi naman kamahalan ang steel. Hindi na kawawa ang mga Pilipino dahil maiiwasan na ang nickel extraction ng ating mga barya.
Tayo ay dapat matuwa sa bagong 2018 Philippine Coins dahil ito ay para sa mabuting ekonomiya ng Pilipinas.
Source: https://ikigaisimplicity.blogspot.com/2018/05/why-do-we-have-to-change-our-philippine.html
Bakit tayo dapat matuwa sa bagong 2018 Philippine Coins?
Leave a Reply