Bakit maraming OFW ang walang ipon?
Karamihan sa mga OFW na nurse ay mataas ang suweldo ngunit bakit hindi sila nakakaipon? Pagdating sa Pilipinas ay hindi sila makabili ng lupa o kaya naman ay hindi pa sila handang magretiro. Importante na makapag-ipon at magkaroon ng investments habang kumikita pa lamang ang isang tao, lalo na kapag OFW dahil hindi habang buhay ay may trabaho ka.
Bakit maraming OFW ang walang ipon?
1. Isa sa malaking pagkakamali ng OFW ay binibigay nila lahat ang suweldo nila sa pamilya. Wala ng natitira sa kanila.
2. Kung meron mang natira ay ipangbibili nila ng mga material na bagay na masisira din naman pagkatapos ng ilang taon.
3. Hindi sila nag-iipon at nag iisip ng kanilang kinabukasan.
Maraming nagsasabi na siyempre priority nila ang pamilya nila pero sila ba ay priority ng pamilya nila? Napakaraming kuwento ng mga OFW na sila ang gagastos para sa mga kamag-anak at kapatid pero sa huli ay iiwan lang sila ng mga ito. Ang OFW na dating may pera ay kawawang naghahanap ng pagkain sa mga kapitbahay.
Para maiwasan ang ganitong scenario ay dapat isipin mo rin ang iyong sarili. Pera mo at kinabukasan mo ang pinag-uusapan dito. Oras na para mag-ipon ka rin para sa sarili mo. Nais mong magpakamartyr? Anong mapapala mo doon?
Heto ang ilang tips na makakatulong sa iyo para makapag-ipon ka na ng pera:
1. Bumuo ng Emergency Fund at Retirement Savings – Bago ka magbigay sa kapamilya mo ay magtabi ka muna ng para sa sarili mo. Ang emergency fund ay pera na maaari mong ibigay kung may nagkasakit at ang retirement savings ay para sa iyo at maaari mong iinvest sa mga mutual funds, uitf, stocks. Maaaring magtabi ng 10% para sa Emergency fund at 20% para sa retirement fund. 20-30% para sa gastos mo diyan at 50% para sa pamilya.
2. Ipaintindi mo sa iyong pamilya na hindi madali ang pera. Para maiwasan sila sa todo todong paghingi ay 50% ng suweldo ang ibigay at hindi 100%. Kung sanay na sila sa 100% ay sabihin mo na bumaba ang suweldo mo o ano pang dahilan na puwede mong sabihin.
3. Huwag bumili ng mamamahalin at branded na gamit. Isa sa mga sakit ng mga OFW ay ang pagbili nila ng mga branded na items tulad ng bags, shoes, damit, pabango, at gadgets. Matutong mamuhay ng simple dahil hindi ka naman talaga mayaman. Maraming kuwento ng OFW na binibigay nila lahat ang pera nila sa Pilipinas tapos mangungutang pambili ng branded na bags o kaya bibili ng mamahalin tapos mangungutang ng sa mga kasama. Ang mga materyal na bagay madaling maluma, isa pa hindi sila masasabing investments dahil hindi sila maiititinda ng mas mataas pa kesa sa pagbili mo sa kanila.
4. Maraming magsasabi na kailangan ng mga kapamilya nila ang lahat ng pera na meron sila. Doon nagkakamali ang mga OFW, kung ibibigay mo lahat ay hindi matututo ang kapamilya kung paano magtipid at sa iyo lamang aaasa. Lalo na kung may anak ka at bigay ka lang ng bigay ng pera, lalaki ang mga anak mo na hindi marunon g humawak ng pera. Sa pagtipid mo sa kanila, matututo rin silang magtipid. Matutulungan mo pa sila na huwag maging maluhbo at mawabang dahil nasa abroad ang kanilang kamag-anak.
Ngayon, bakit maraming OFW ang walang ipon? Dahil hindi sila marunong magbudget at mag set ng limit sa pera nila. Tandaan lamang na mahalaga rin ang buhay mo at kailangan mo rin ng pera para sa hinaharap. Kailangan mo ng discipline sa pera at kailangan din ng iyong pamilya na matutuong magtipid. Tandaan mo na marami na ang kuwento na hingi ng hingi ang kamag-anak para daw si sakit, sa bahay, sa lupa at kung anu-ano pa pero pagbalik ng OFW ay wala namang pinatunguhan ang pera.
Bakit maraming OFW ang walang ipon?
1. Kung bibili sila ng lupa, sabihin na pag uwi mo na lang bibilhin para makita mo muna ito at ikaw na mismo ang bumili.
2. Huwag makinig sa “pabili” ng mga kaanak. Bili lamang ngkailangan talaga nila. Matutong magsabi ng “hindi”.
Nakakainis minsan na maririnig mong magreklamo ang ilang OFW na ang kaanak daw nila ya pabili ng ganito at ganyan, ang tanong bakit mo sila binibilhan? May pera ba silang binigay sa iyo? Kung utang na loob at tumulong sa pagpunta, bayaran mo na lang sila ng cash kesa naman habang buhay na humihingi sa iiyo kapalit ng “tulong” nila.
Leave a Reply