Maraming nagtatanong kung ano ang maganda sa minimalism. Bakit mahalaga ang minimalism at bakit ko ito ginagawa sa aking buhay?
Ang buhay natin ngayon ay parang masikip na LRT o jeep. Napakarami tayong sinisiksik na mga bagay na hindi na dapat natin sinasama sa ating buhay. Kung ang buhay natin ay parang punong-punong sasakyan, mahirap huminga at nakakainis, di ba? Gusto nating may bumababa para lumuwang at makaupo tayo ng mabuti. Isipin mo ang isang maluwang na sasakyan at puwede mong i-stretch ang iyong mga paa. Sa ating buhay, kailangan din nating bawasan ang mga pang-gulo sa buhay natin. Mga kalat, tao, activities, at iba pa na naninira sa ating buhay imbes na nagdudulot ng improvement.
Ang buhay ng tao ay parang jeep, napaluwang na natin ang loob pero parang wala tayong destinasyon. Nakaupo lang tayo at hindi natin alam ang pupuntahan. May gusto tayong puntahan pero hindi natin masabi sa driver. Sa minimalism, sisimulan natig sabihin sa driver kung saan tayo pupunta.
Ganito ngayon ang mangyayari, paluluwangin natin ang jeep para makalapit tayo sa driver at masabi natin kung saan tayo pupunta. Sa ating buhay, aalisin natin ang mga unnecessary distractions at gagawa tayo ng paraan para magkaroon ng purpose sa buhay – para maabot natin ang mga pangarap natin. Madalas ay ang daming distractions at balakid sa ating buhay kaya hindi tayo gumagawa ng hakbang para abutin ang gusto nating gawin sa buhay.
Sa madaling salita narito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang minimalism?
1. Magkakaroon tayo ng purpose sa buhay – bawat tao may pangarap, karamihan lang ay hindi takot gumawa ng paraan para maabot ito. Halimbawa, gusto nating magkaroon ng bagong bahay o gamit pero hindi naman tayo nag-iipon para maabot ito. Sasabihin lang natin ay “imposible kasi mababa ang suweldo ko at marami akong gastos”. Hindi natin magagawa kung una palang ay impossible na agad ang iniisip natin. Isang halimbawa ko ay ang paggawa ng website, matagal ko ng gustong gumawa ng sarili kong website pero hindi ko sinisimulan, at kung may sinimulan ako ay hindi ko rin itutuloy at mag-gi-give up ako sa kalagitnaan. Maliit na bagay pero ganyan ang aking attitude bago ko natutunan ang salitang minimalism. Ngayon, alam ko na ang dahilan ng aking pag give up ay dahil hindi ko ginawang habit ang pagsusulat. Hindi ko ginawang bahago ng bihay ko ito kaya hindi ko naituloy. Mahalagang gawing habit ang mga hakbang na ginagawa para sa ating goals para hindi tayo sumuko sa kalagitnaan. Kapag natural nang ginagawa natin ito araw-araw hindi na ito chore kundi isang bagay na hindi kumpleto ang araw natin kapag hindi ginawa.
2. Alisin ang mga hadlang sa pag-abot ng pangarap at kaligayahan – Bago ko nalaman ang minimalism ay magulo nag pag-iisip ko. Napakaraming mga ideas at bagay ang tumatakbo sa aking buhay. Nalaman ko na ang mga bagay kung saan ako nag-aalala ay unnecessary o hindi importanteng buhay. Binabawasan ng minimalism ang mga stressful situation sa ating buhay. Halimbawa, dati ay parati akong nagbabasa ng balita at nagagalit sa bad news na lagi na lang head line sa internet. Nalaman ko na hindi natin kailangang maging updated palagi sa mga balita dahil kalahati ng balita ay “none of our business” ang iba ay “distorted” na balita. “None of our business”, ito nag mga balita na wala namang epekto sa ating buhay at wala rin naman tayong magagawa. Halimbawa ng balitang ito ay ang paglibing kay Marcos, hindi ako nabuhay sa panahon niya at walang idudulot sa aking buhay kung mailibing siya o hindi. Ang problema ay napakaraming nagagalit at nagpapakastress dahil dito na wala ng ginawa kundi magrally at mag-ingay sa social media – e hindi rin naman sila buhay noong panahon ni Marcos. Nakakasayang lang ito ng buhay, hindi naman uunlad ang buhay natin kung mailibing siya o hindi. Ganun din ang mga tsismis tungkol sa mga artista, tao din sila at ang buhay nila ay buhay nila pero maraming naiistress at nagagalit na tao kung may ginawa ang mga artista na ito. Kaya hindi na ako bumibili ng diyaryo, sayang lang sa pera. Iniisip ko na lang, anong maitutulong nun sa aking buhay. Yayaman ba ako o maaabot ko ang pangarap ko kung naiistress ako sa kanila. Hindi naman, hindi ba?
3. Mas malaki ang ipon sa minimalism – Oo, isa ito sa pinakamalaking benefit ng minimalism. Kung bibilhin lang natin ang kailangan natin at bawasan ang mga kalat sa ating tirahan at business place, mas malaki ang ipon. Magiging mas praktikal din tayo sa pagbili ng mga bagay bagay. Sa minimalism, retain what is essential and necessary. Ibig sabihin alisin ang hindi kailangan para sa pagkamit ng ating goals at kaligayahan sa buhay. Halimbawa, dati rati ay mahilig ako sa shopping, basta maganda bibilhin ko. Pero ngayon, bibili lang ako pag ayun ito sa style na napili ko at kapag kailangan ko na ng bagong damit. Bago ko bilhin ang isang bagay ay iisipin ko muna kung kailangan ko ba ito at magagamit ko more than once, kapag ang sagot ay “no”, hindi ko bibilhin. Hindi natin kailangan ng sobrang gamit sa buhay. Nagbawas din ako ng mga activities para makafocus sa aking goals, tulad ng online gaming. Ngayon, bihira na ako naglalaro dahil mas pinili kong magsulat para sa aking website. Isa sa mga unnecessary activities na puwedeng bawasan ng iba ay ang everyday na inuman kasama ang barkada, puwede itong bawasan at magfocus sa ibang bagay na importante.
4. Matuto ng mga bagay-bagay – Dahil sa pagbawas ng unnecessary activities, may oras tayo na matuto ng bagong skills tulad ng paggawa ng homemade lotion at beauty products, cooking, japanese at korean alphabet, gardening, at basic sewing. Maraming nagtatanong kung paano ka magkakaroon ng oras para sa mga ito kung nagtratrabaho ka ng 8 hours bawat araw. Isa sa technique na ginagamit ko ay ang pagset ng designated day o scheduling, bawat araw ay may “creative time” at bawat araw ay may designated na activity. Halimbawa, every 7 – 8pm ay mag-aaral ako ng bagong skill every Tuesday at Wednesday, Every morning pagkagising ay magsusulat ako. Paunti-unti pero may nagagawa akong hakbang para matuto. Para sa iba ay mahalagang gumawa ng oras para pag-aralan ang nais mong goal sa buhay. Halimbawa gumawa ng oras kung saan puwede kang magreserch kung paano magsimula ng business o paano makabayad ng utang at mga financial tips.
Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang minimalism. Alisin ang hindi kailangan at iwan lang ang kailangan para maging masaya at maabot ang gusto sa buhay. Hindi kailangang material na bagay ang goal, isa sa magagandang goals ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya. Magagamit ang minimalism para makatipid at magkaroon ng oras para sa asawa o mga anak. Magkakaroon ng oras para ipasyal sila sa mga theme park o palaruan. Magresearch kung paano magluto, o maging mabuting ina o ama at mabuting asawa. Matuto kung paano mag-alaga ng bata para lumaki silang successful at hindi tambay sa kanto. Marami ang mga bagay na magagawa natin at matututunan kung ilalagay natin ang ating focus at determinasyon dito.
Happiness is when what you think, what you say, and what you do are in harmony.”
Mahatma Gandhi
Leave a Reply