Ngayong may Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID19 sa buong luzon maaari na nating gamitin ang ating emergency fund para sa isang buwan na walang income. Ang emergency fund ay pera na katumbas ng at least tatlong buwan na sahod mo o backbone budget. Ang emergency fund ay magagamit kung ikaw ay walang income o hindi inaasahang gastusin dahil sa:
- Sa oras ng sakuna (bagyo, lindol, natural disasters)
- Kapag ikaw ay unemployed o walang trabaho dahil sa sakit/ community quarantine at iba pa.
- Nagkasakit at iyong anak/magulang at ikaw ang bread winner
Sinu-sino ang dapat may emergency fund?
Dapat bawat tao ay may emergency fund lalong lalo na ang mga jeepney driver, taxi driver, at mga minimum wage earners.
Gaano katagal bago ako makaipon ng emergency fund?
Ang emergency fund ay maiipon sa pamamagitan ng pag-iisang tabi ng pera mula sa sahod para sa emergency fund. Ang one to three months emergency fund ay maaaring maipon sa loob ng isang taon para sa mga minimum wage earners. Ang pagtatabi ng 10-20% mula sa sahod para sa emergency fund ay nirerekomenda.
Saan ko itatago ang aking emergency fund?
Ang emergency fund ay mas makabubuting itago sa bangko, o mga micro savings tulad ng Cebuana Lhuillier at lehitimong kooperatiba. Huwag itong iinvest sa stocks o uitf. Mas mabuting ito ay nakalagay sa bangko para ikaw ay hindi matukso na gastusin ito. Ang ilang websites ay nagrerekomenda na magtago ng emergency fund na cash na katumbas ng isang buwan sa iyong tahanan. Ito ay maaari mong gawin subalit ang iyong cash sa bahay ay dapat hindi lalagpas ng Php10,000 para maiwasan ang pag-aalala mula sa mga magnanakaw.
Simulan na ang pag-iipon ng emergency fund.
Kung wala ka pang emergency fund ay dapat simulan mo ng mag-ipon para mapaghandaan ang mga susunod na sakuna. hindi natin alam kung mayroon pang susunod na pandemic o kaya natural disaster. Kaya huwag balewalain ang emergency fund.
Paano ako makakaipon ng emergency fund?
Bago ka magkaroon ng savings, insurance, at investment dapat meron kang at least 3 months na emergency fund. Kaya sa bawat sahod mo mag-ipon ng 20% para sa emergency fund. Kapag naabot mo na ang 3 months worth na salary o backbone budget, ang 10% ay sa savings at ang 10% ay sa emergency fund hanggang makaabot ka ng 6 motnhs na emergency fund.
Magkano dapat ang aking emergency fund?
Ang iyong emergency fund ay dapat katumbas ng at least 3 months na suweldo o backbone budget. Mas makabubuti kung aabutin mo ang 6 months worth na emergency fund. Ang excess ng 6 months ay maaari mo ng iinvest o isave para sa iyong material goals in life tulad ng 1 month soul searching vacation, house and lot na malayo sa kaguluhan, farm, resort, o iba pang magpapasaya sa iyong kalooban.
Ano ang monthly backbone budget?
Ito ay ang makatotohanan at pinakakonting halaga ng pera kung saan ikaw at ang iyong pamily ay maaaring mabuhay gamit lamang ang budget na ito. Ang mga sumusunod ay dapat nasa iyong backbone budget:
- Pagkain ng buong pamily (rice, meat, vegetable, fruits, tubig, condiments)
- Kuryente, Tubig, LPG at utility bills
- Transportation budget
- Pera para sa edukasyon ng bata/ gamot ng magulang/ gamot mo o ng iyong kapamilyang may sakit
Related Articles:
Leave a Reply