Paano makakaipon ng malaki mula sa maliit na suweldo? Isa mga balakid kaya hindi kasya ang suweldo mo para sa sarili mo, pamilya, at kinabukasan mo ay dahil sa uri ng iyong pamumuhay. Marami sa atin na may pera ngayon bukas ay wala na. Iisipin lang nilang dahilan ay dahil “bumili ako ng kailangan ko e” o “may sale kasi akong nakita”. Ang paraan na ituturo ka sa iyo para makaipon ka ay minimalist at zen lifestyle. Maraming mga articles tungkol dito pero hindi pa ito naisasalin sa Filipino at hindi nakaterno ayon sa pamumuhay nating mga Pilipino. Kaya ang post na ito ay magtuturo sa iyo ng minimalism para ikaw ay maging masaya at mayaman sa lahat ng aspeto ng buhay mo financial, emotional, social. Napakalaki ng tulong ng minimalism para sa iyong problema sa pera. Unahin muna natin ang problema sa pera at paano ito mabibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng pagbabago ng lifestyle.
Sa una ay parang komplikado ang lahat pero sa ating step by step gide to happy and prosperous life mo ay magagawa mo ito. Simulan natin na baguhin ang papnanaw mo sa buhay sa pamamagitan ng pagtuklas ng sekreto ng mga mayayaman at paano ito makakatulong sa buhay mo.
Paano makakaipon ng malaki mula sa maliit na suweldo
- Unahin mo ang iyong sarili, gamitin ang 20-10-70 ratio. 20% para sa sarili mo o ipon, 10% sa church o charity o kung hindi mo kaya ay puwede itong gawing 5%. 70% para sa pamilya. Kung nagtataka kung bakit 70% lang sa pamilya mo ay basahin ito.
2. Matutong mamuhay gamit lamang ang 70%, dito papasok ang konsepto ng minimalism. Huwag bibili ng mga bagay na hindi kailangan. HUwag magpalinlang sa mga promos at alamin ang: Sekreto ng mayayaman 1, Sekreto ng mayayaman 2, Sekreto ng mayayaman 3.
3. Magsimulang pag-aralan ang mga investments na puwedeng pasukin ng mga empleyado at OFW.
Leave a Reply