Mahala ang SSS sa bawat Pilipino dahil sa mga benepisyo nito tulad ng Medical at Retirement Benefits. Kung ikaw ay isang empleyado, voluntary, o self employed member, ang SSS ay magbibigay sa iyo ng suweldo kung sakaling hindi ka makapagtrabaho dahil sa sakit, panganganak, o aksidente. Maliban dito ikaw rin ay makakatanggap ng pension o suweldo sa taong 60 pataas kahit hindi ka na nagtratrabaho. Kapag ikaw ay pumanaw, ang iyong mga beneficiaries tulad ng anak at magulang ay makakatanggap ng pera para sa iyong funeral expenses at iba pang gastusin.
Bakit Kailangan mo ng SSS at ano ang benepisyo nito sa iyo?
Kahit ikaw ay walang trabaho ngunit kumiita mula sa iyong business tulad ng sari-sari store, allowance, o iba pang paraan dapat ay mag rehistro ka sa SSS. Ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan mo ng SSS ay ang PENSION o RETIREMENT BENEFITS. Kapag ikaw ay 60 years old na, mahihirapan ka ng magtrabaho dahil sa iyong edad. Wala kang suweldo at malamang ayaw ka ng sustentuhan ng iyong mga anak. Mapalad ka kung mabait sila, ngunit sa nangyayari ngayon sa Pilipinas ay mraming hindi kayang suportahan ang kanilang magulang. Habang bata ka pa ay kailangan mong isipin ang iyong retirement. Sa pagtanda mo, walang ibang tutulong sa iyo kung hindi sarili mo.
Paano mo paghahandaan ang retirement mo, paano ka magkakaroon ng pera sa panahon na iyon? Maraming paraan at isa na dito ang SSS Retirement. Sa halagang Php550 bawat buwan, makakatanggap ka ng Php5,000 bawat buwan bilang pension. Matatanggap mo ito habang ikaw ay buhay pa. Hindi mo kailangang magtrabaho para magkasuweldo kung ikaw ay may SSS na pagkukunn ng pension. Kaya mahalaga ang SSS dahil pinaghahandaan mo ang iyong pagtanda.
Ngayong ikaw ay wala pang 60 years old, may benepisyo ba ang SSS sa iyo? OO, ang SSS ay magpapasuweldo sa iyo kung ikaw ay hindi makapagtrabaho dahil sa sakit o aksidente. Mayroon kang makukuhang pera mula sa SSS kung ikaw ay nanganak, naaksidente, o nagkasakit. Ang SSS ay may SICK, DISABILITY, AT MATERNITY BENEFITS.
Maliban sa mga ito, ikaw rin ay may FUNERAL BENEFITS kung sakaling ikaw ay mawala sa mundo. Ito ay maari mong iwan sa mahal mo sa buhay tulad ng magulang, anak, o kapatid. Kung sakaling ikaw ay pumanaw, hindi mahihirapan ang mahal mo sa buhay na maghanap ng pangtustos sa iyong pagkawala.
NARITO ANG MGA BENEPISYO MULA SA SSS AT KUNG PAANO SILA MAKUHA:
-
SICKNESS/INJURY BENEFITS
-
DISABILITY BENEFIT
-
RETIREMENT
-
MATERNITY
-
DEATH/FUNERAL
Leave a Reply