Bakit Kailangan ang Emergency Fund?
Marami sa atin ang nais mag-invest para sa ating kinabukasan. Pero bago ka mag-invest, isa sa kailangan mo ay Emergency fund. Mas makakatulog ka ng maayos kung alam mo na may mapagkukuhanan ka ng pera kapag may emergency tulad ng accident, sudden repairs, at sakit at iba pa. Sabi ng mga financial experts ay dapat magtabi ka ng emergency fund para kapag may sakuna ay hindi mo gagalawin ang iyong investments.
Ano ang Emergency Fund? Bakit Kailangan ang Emergency Fund?
Ang Emergency Fund ay ipon mo na nakalaan para lamang sa emergency, nang sa gayon ay hindi mo gagamitin ang iyong savings o investment. Mas makabubuti na maglaan muna ng emergency fund bago mag-invest para hindi ka mastress kung may financial problem ka. Tandaan na ang investment ay long term at hindi dapat agarang binabawi.
Magkano ang kailangan mong Emergency Fund?
Iyon ay depende sa gastos at lifestyle mo. Ayon sa mga experts kailangan mo ng Emergency fund para sa at least 3 months. Kung ang gastusin mo bawat buwan ay P20, 000 kailangan mo ng at least P 60, 000 na emergency fund.
Paano makakaipon ng Emergency Fund?
Ang pag-ipon ng Emergency Fund ay hindi biglaan. Ito rin ay mabagal na proseso, heto ang ilang tips para makaipon ka ng Emergency Fund.
- Compute your Monthly Expenses – Magkano ba ang nagagastos mo ng isang buwan? Magkano ang para sa kuryente, allowance, tubig, renta, shopping, at entertainment? Isulat mo lahat ng expenses mo sa isang papel at i-add lahat. Kung magkano ang expenses mo, iyon ang dapat mong pag-ipunan.
- Trim your expenses – Kung masyadong mataas ang gastos mo at mas mataas pa ito sa suweldo mo, oras na para mamuhay ng simple. Magandang matuto ng minimalist lifestyle lalo na kung balak mong mag – invest. Bawasan mo ang maraming gastos.
- Start Small – Iplano kung magkano ang kaya mong itabi kada buwan para maipon ang target mong Emergency Fund. Magsimula sa maliit na amount kung hindi mo kaya ang malakihan. Kunwari, ang target mo ay P60, 000 pero ang kaya mong itabi ay P3, 000 kad buwan. Kahit kaunti kada buwan ay maiipon din iyan. Tandaan na maging realistic sa kaya mong itabi kada buwan.
- Pay Yourself First – Ang payo ng mga experts ay ibawas mo muna ang para sa savings bago ang expenses. Halimbawa ang suweldo mo ay P12, 000, kunin mo na ang P2,000 para sa savings mo at ibudget mo ang natitirang P10,000. Ang kadalasang pagkakamali ng iba kaya walang ipon ay ang pag-ipon ng natitirang pera nila matapos maibawas lahat ng gastusin. Dapat ay kunin mo muna ang para sa savings at ang matitira ay para sa expenses.
- Don’t Touch – Ang emergency Fund ay para sa Emergency at hindi para sa shopping, investment, o night out. Kapag naipon mo na ang P60,000 huwag itong iinvest o ilagay sa kahit saan na hindi emergency.
- Adjust if needed – Kung tumaas ang sahod mo ay itaas mo din ang contribution mo sa iyong emergency fund.
Kapag nakaipon ka na ng emergency Fund ay puwede ka ng mag-ipon para sa retirement/investment plan mo. Maaari kang magsimulang mag-invest sa halagang P10,000 sa mga UITF ng mga Bangko. Kung kaya ng iyong income ay puwede kang kumuha ng insurance endowment policies mula sa Philam o iba pang insurance company.
Bakit Kailangan ang Emergency Fund?
Leave a Reply