Lesson 7 – Investment Para sa Pilipino part 2
“The love for money is the root of evil”.
Kung ang pagmamahal ng pera ay ugat ng kasalanan, bakit kailangan nating mag invest? Ang pag-iinvest ay hindi pagmamahal sa pera kung hindi tamang paghawak ng pera. Hindi kailangang sambahin ang pera upang mag-invest. Puwede kang mag-invest habang sinasamba ang Panginoon. Ang isang halimbawa dito ay si Bo Sanchez.
Bakit Dapat Mag-Invest Ang Mga Pilipino?
Para masagot ang tanong na ito, pag usapan muna natin ang maaaring maging Life Stages ng isang tao.
POSSIBLE LIFE STAGES
- SINGLE AND YOUNG – Sa stage na ito, ang isang tao ay wala pang obligasyon sa ibang tao. Nagsisimula pa lang sila na magtrabaho at kumita. Malakas pa ang katawan at walang iniintinding karamdaman. Mahilig magtravel at mag-adventure.
- SINGLE/MARRIED AND OVER 40 – Madalas nagkakaroon na ng mga sakit at humihina ang katawan. Malaki ang mga gastusin para sa medical bills.
- NEWLY MARRIED – Kung ikaw ay ikakasal, congratulations. Marami ring gastusin para sa iyong kasal.
- PROUD PARENT – Kasal man o hindi, maaari ka paring maging proud parent. Congratulations!
- EDUCATION NG IYONG ANAK – Mula k-12 hanggang College.
- EMPTY NESTERS – Kapag nagmove out na ang iyong mga anak at may sarili na silang pamilya.
- RETIRED – Hindi na makapagtrabaho at mahina na ang katawan. Maraming medical bills. Kailangan ng nurses at assistant.
Bakit Dapat Mag-Invest Ang Mga Pilipino?
1 Kailangan ng Malaking Pera Para Sa Retirement
Sa Pilipinas, naniniwala tayo na kapag tayo ay matanda na ay aalagaan tayo ng ating mga anak o mga kamag-anak. Ang katotohanan ay hindi lahat ng kaanak ay inaalagaan ang kanilang tumatandang kamag-anak. Sa ating pagtanda ang gastusin ay napakataas at madalas ang mga kamag-anak ay umiiwas na sa obligasyon lalo na kapag may sariling pamilya na sila. Marami ring Pilipino na sila ang nag-aalaga sa kanilang kaanak na retirado na, sila rin ang gumagastos para sa kanila.
Kailangan mo ng pera para alagaan ang iyong magulang
Isa ako sa pamilya na may obligasyon na alagaan ang kanilang magulang kapag sila ay matanda na. Marami ring Pilipino ang may unwritten obligation na alagaan ang kanilang magulang. Para maalagaan ang kanilang magulang kailngan nilang maghanda ng malaking salapi para sa medical bills at hospitalization fees ng magulang. Mabuti kung ang iyong magulang ay may government pension, subalit kadalasan ay wala.
Kailangan mo ng pera para sa iyong sariling retirement
Kapag ikaw na ay nagretire, hindi mo alam kung may pera ang iyong mga anak/kamag-anak para tustusan nila ang iyong mga gastusin. Sa ating pagtanda kung saan tayo ay wala ng kakayahan na magtrabaho, doon dumadami ang ating needs.
2. Kung ikaw ay magkakaroon ng Anak – Kailngan mo ng Pera para sa kanilang edukasyon at well being.
Mahal ang medical fees kapag ikaw ay nanganak. Mahal mag-alaga ng baby – kailangan mo ng regular check up, pampers, vitamins, gatas, at iba pa.
Kapag sila na ay nag-aaral, mahal ang tuition fee at school fees, uniform, libro, allowance, project at iba pang gastusin.
Conclusion:
Ang investment mo ay para sa mga tao na mahalaga sa iyo. Kailangan mo ng pera para alagaan ang tumatandang magulang at lumalaking mga anak. Kailangan mo rin ng salapi para sa iyong sarili. Isipin mo sila kapag ikaw ay mag-iinvest.
Leave a Reply