Bakit Apelyido ng Nanay ko ang Apelyido ko? Bakit Wala Akong Middle Name?
Nagkamali ba ang PSA na wala kang apelyido at apelyido ng iyong ina ang nakalagay sa PSA Birth Certificate mo? May magagawa ka ba para maayos ang iyong Birth Certificate?
Trigger Warning: Bago niyo tuklasin ang sagot sa inyong tanong, ihanda ang inyong sarili dahil hindi kaaya-aya ang sagot.
Bakit Apelyido ng Nanay ko ang Apelido ko? Bakit Wala Akong Middle Name?
Ang mga dahilan nito ay:
- Hindi kasal ang iyong magulang nang ikaw ay ipinanganak; AT
- Hindi ka nirecognize ng iyong ama nang ikaw ay ipinanganak (Hindi pumirma ang iyong ama sa iyong birth cetificate);
- Ikaw ay illegitimate child.
Ang Pangalawang dahilan nito ay:
Ayon sa batas pag ikaw ay naipanganak noong August 3, 1988 o hanggang sa kasalukan at hindi kasal ang iyong magulang ang gagamitin mo na apelyido ay ang apelyido ng iyong ina at siya ang iyong magiging tagapangalaga. Maari mo lamang gamitin ang apelyido ng iyong ama kung:
- Lumagda ang iyong ama sa iyong birth certificate O
- Nirecognize ka niya sa Public o Pribadong dokumento.
Bakit Wala Akong Middle Name?
Ayon sa Supreme Court, ang middle name ng illegitimate child sa kanyang Birth Certificate ay dapat iwanang blanko kung hindi siya nirecognize ng kanyang ama. (Republic of the Philippines vs. Trinidad R.A. Capote February 2007).
Solusyon: PAANO GAGAMITIN ANG APELYIDO NG AMA:
1. LEGITIMATION
Kung ang iyong biological father at mother ay nagpakasal, maaring mag sumite ng legitimation ang iyong ama sa Local Civil Registrar. Ang minimum cost ng Legitimation ay Php10,000.00.
2. Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF)
Kung hindi sila kasal at habang buhay ang iyong biological father, kailangan niyang gumawa ng Affidavit to use Surname of the Father at Affidavit of Admission of Paternity or the Affidavit of Acknowledgment. Ito a isusumite sa Civil Registar kasama ng proof na ikaw a totoo niyang anak sa pamamagitan ng pagsumite ng at least 2 sa mga sumusunod:
- Employment records
- SSS/GSIS records
- Insurance
- Certification of membership in any organization
- Statement of Assets and Liabilities
- Income Tax Return (ITR)
NOTE: Ito lamang ay base sa batas at kailangan mo pa rin na sumangguni sa Local Civil Registar o sa Abogado para sa mas detalyadong solusyon.
Bibliogaphy:
General Nakar ” Illegitimate Children to Use the Surname of their Father (RA NO. 9255). (n.d.). Retrieved October 28, 2019, from http://www.generalnakar.gov.ph/civil-registrar-services/illegitimate-children-to-use-the-surname-of-their-father-ra-no-9255/.
Anonymous says
Hello Po Tanong ko lng Po,,, pano kaya Yun?kc anak ko nag school na TAs gamit apelyido ng tatqy nya din hindi pa sya naka rehistro sa civil registrar naun Po ipa late registration ko Po sana gamit apelyido ko pde kaya Yun ano kaya dapat kung gawin?.sana matulungan nyo Ako salamat po
Simplify says
Ipalate register niyo po gamit apkeyido ninyo, kapag tapos niyo na po iparegister, kausapin niyo po yung school para palitan records ng anak niyo gamit ang bagong birth certificate.
Anonymous says
Good day po.
Mula Elementary hanggang nakapagtapos ng college ang gamit ko pong lastname ay sa mother ko po at sa lahat ng documents ko po. Dahil noong college ako kumuha ako ng NSO wala akong middle kay mama ko po na last ang gamit ko N/A wala pong nakalagay na father’s name. 1994 po ako ipinanganak. Hanggang kinasal na po ako gamit ko parin ung lastname ng mother ko.
Ngayon ang problema, noong kumuha ako ng updated PSA may nakalagay na po na notation sa Gilid LIGETIMATED BY VIRTUE OF SUBSEQUENT MARRIGE OF NAME NG STEPFATHER AND MY MOTHER’S NAME ON DATE NG KASAL NILA AT PLACE UNDER REGISTRY NUMBER 2015-037. THE CHILD SHALL BE KNOW NAME KO PO gamit ang last name ng stepther ko.
Ano po kaya dapat kung gawin?
Nag aapply po kasi sa goverment bilang public teacher. Baka po magkaconflict.
Sana matulungan po ninyo ako.
Thanks & God bless po!
Simplify says
Maaari siyang maka-conflict pero tatanungin naman po kayo tungkol sa details na yun ng pag-aaplyan niyo. Maaari na papagawan lang kayo ng affidavit of discrepancy. Pero maaari siyang maka-apekto sa mga benefits niyo i.e. SSS/Philhealth/etc.
May two options po kayo:
1. Palitan po lahat yung name niyo from last name ng mother to father’s name – kailangan niyo pong pumunta sa dati niyong schools at sa PRC para i-update ang details niyo gamit ang bago niyong PSA. Ganun din po sa Marriage Certificate ninyo sa LCR at PSA, i-update niyo rin.
2. Gamitin ang apelyido ninyo – Para bumalik po yung apelyido niyo sa last name ng mother niyo, kailangan niyo po mag-file ng kaso sa korte ng correction of entries under rule 103 kung saan ilalagay niyo na last name ng mother mo ang pinili mong apelyido.
Anonymous says
Hello Po paki help Naman Po ano Po ba dapat Gawin kasi kasal naman Po ang manga magulang ko pero Yung dala ko Po na apelyido ay apilyido Ng nanay at Hindi sa tatay ko ano Po ba dapat Gawin paki sagot lang Po thank you.
Simplify says
Hi! Depende po yun sa circumstances na nasa birth certificate ninyo. Punta po kayo sa LCR ninyo para tanungin kung pwede ayusin sa kanila.