Ano At Paano Makuha Ang SSS Sickness Benefit para sa Voluntary/ Self-Employed at Employed Members.
Ang Sick Benefit at Disability Benefit ay cash allowance na ibibigay sa miyembro sa mga araw na siya hindi makapagtrabaho dahil sa sakit o injury. Halimbawa, ikaw ay hindi nakapagtrabaho sa loob ng apat (4) na araw dahil nabali ang iyong kamay o ikaw ay may dengue. Ikaw ay makakatanggap ng apat na cash allowance.
Ano At Paano Makuha Ang SSS Sickness Benefit?
Magkano ang cash allowance na matatanggap mo?
Ang matatanggap mo ay 90% ng iyong average daily salary credit (ADSC).
Ano ang Average Daily Salary Credit (ADSC)?
Ang ADSC ay nakukuha sa pamamagitan ng pag-review ng iyong contribution sa loob ng 12 months bago ang buwan kung kailan ka nagkasakit o naaksidente. Hahanapin nila ang tatlong pinakamataas na Monthly Salary Credit (MSC). Ang MSC ay ang katumbas na pera ng premium na binabayaran mo buwan buwan sa SSS. Ang anim na MSC ay pagsasamahin nila at ididivide sa 180 days. Ang resulta ay ang iyong ADSC. Makikita ang MSC sa table ng SSS dito.
Halimbawa: Ang contribution mo bawat buwan ay Php550.
PHP5,000 x 6 (Ang 6 ay constant/given)
=Php30,000 /180 days (Ang 180 ay constant/given)
=PHP166.66 ADSC
Ang makukuha mo kada araw ay 90% ng ADSC.
=Php166.66 x .90
=PHP150 kada araw.
Sa loob ng 4 na araw na ikaw ay hindi makapasok makaktangap ka ng Php150 kada araw. Kung mas mataas ang contribution mo, mas mataas ang matatanngap mo base sa Schedule of Contribution ng SSS.
Halimbawa ang contribution mo y Php1,760 kada buwan, meron kang Php16,000 MSC. Ang iyong matatanggap ay: Php480/daily.
Sino ang Qualified sa Sick Benefit ng SSS?
Ang miyembro ay makakakuha ng sick/injury benefit kung:
- Hindi makapagtrabaho dahil sa sakit o injury at nasa ospital o bahay sa loob ng apat (4) na araw pataas.
- Nakapagbayad ng tatlong (3) buwan o mahigit na contribution bago ang buwan ng pagkasakit at sa loob ng taon kung kailan nagkasakit o my injury.
Halimbawa: Kung nagkasakit ka ng June, dapat nabayaran mo ang May, April, at March.
- Sinabihan ang SSS tungkol sa injury/sakit. Kung ikaw ay isang empleyado, sabihin sa employer sa loob ng limang (5) araw.
Paano sabihan ang SSS para sa voluntary/Self-employed/separated members?
Ang SSS ay may SSS NOTIFICATION FORM na kailangan mong i fill out at isumite sa SSS. Idownload and form dito.
- Sabihan ang SSS sa loob ng limang (5) araw mula sa araw na hindi makapasok dahil sa sakit/injury. (kung nasa bahay lang)
- Kung ikaw ay naospital, maaari mong sabihan ang SSS sa loob ng isang taon mula sa confinement.
- Overseas Filipino Workers (OFWs) are given a 30-day grace
Period in addition to five-day prescriptive period in filing sickness benefit applications. (House Confinement)
Gaano kadaming araw ko maaaring gamitin ang SSS Sick Benefit?
Maaaring gamitin ang SSS sick benefit sa hanggang 120 days bawat taon. Magkakasunod man ang araw o hindi.
Paano magclaim ng SSS Sick Benefit para sa Voluntary/ Self-employed Members?
Bago ka magclaim, ikaw ay kailangang magbukas ng savings account sa SSS accredited banks kung saan idedeposito ang iyong benepisyo. Ang pagclaim ng Sick Benefit ay nakadepende kung ikaw ay employee o voluntary/self employed member.
Requirements:
Self -employed/ Voluntary Members:
- Filled Sick Benefit Application (SBA) Form
- Isang Primary ID o 2 na secondary ID kung miyembro mismo ang magfifile. Kung representative, kailangan ng ID ng representative at ng member.
- Kung mahaba ang confinement kailangan ng original o certified true copy ng:
a) Laboratory, X-ray, ECG and other diagnostic results
b) Operating room/clinical records na susuporta sa diagnosis. - Kung dating employee bago ang confinement kailanganang magsubmit ng Certificate of Separation from Employment.
Paano magclaim ng SSS Sick Benefit para sa mga Empleyado?
Mas mabuting ikaw mismo ang maglakad ng papeles at huwag ng hintayin ang Employer dahil maaari silang matagalan.
Requirements;.
- If filed personally, the member should submit the following:
A. Duly accomplished Sickness Notification
B. 1 Primary Identification Card, kung walng primary ID 2 Secondary IDs
C. Medical documents, kung mayroon
D. Plus the following documents, if needed:
In case of work-related claims:
Accident/Sickness Report from employer, if work-connected; and
Police Report (for vehicular accident with third party involvement), if work-related; and
Photocopy of employer’s logbook
In case of prolonged confinements or sickness, original/certified true copy of the following:
Laboratory, X-ray, ECG and other diagnostic results
Operating room/clinical records that will support diagnosis - In case of sickness that occurred while on strike/shutdown/and member will file to SSS personally, submit the above-mentioned requirements together with the following:
Certificate of Notice of Strike issued by DOLE
Certificate of Foreclosure
Certification from the DOLE that the employee or employer has a pending labor case
Certificate of Non-advancement of Payment from Employer
Karagdagang Impormasyon:
Leave a Reply