Ano ang peso cost averaging at bakit ito nirerekomenda sa mga baguhan? Ang peso cost averaging ay ang pagbili ng stocks monthly o quarterly (kada 4 months) kada taon sa loob ng atleast 3 to 5 years. Nirerekumenda ito para mas marami ang mabili mong stocks kumpara sa minsanang bilihan ng stocks. Ang pangunahing dahilan kung bakit ito ang pinipinli ng financial advisors ay dahil maipapantay mo ang losses at gains mo. Halimbawa kung noong June ay P100 ang presyo ng bawat stocks at binili mo ang 10,000 shares, gumastos ka ng P1,000,000 para sa 10,000 shares pero ng sumunod na buwan, July, ang nasabing stocks ay P90 na at wala ka ng pambili sayang ang mabibili mo pang stocks. Kung bumili ka ng 1000 shares sa June at 1000 shares sa July, mas marami kang mabibiling stocks.
Ano ang peso cost averaging at bakit ito ay nirerekomenda?
Ang ideal na investmet sa stocks ay isang initial na one time na pagbili ng stocks at susunod na mga averaging stocks. Pero ito ay hindi applicable sa lahat dahil hindi lahat ay may pera. So, kanino ito inaadvise?
Ang peso cost aeraging ay para sa lahat lalo na sa walang ganung kalaking pera na pambili ng minsanang stocks. Kung ang maitatabi mo lang kada buwan ay P1000 ipunin mo ito para makabili ka ng stocks kada ika 4 months ng taon. Hindi lahat ng tao ay makakabili ng 100,000 shares agad agad. Kung hindi mo ito afford at nais mong magkaroon ng 100,000 shares, unti-untihin mo ang pagbili gamit ang peso cost averaging. Tandaan na sa investment na ito ay bibili ka lamang at hindi magtitinda ng stocks. Ititinda mo lamang ang stocks at least 10 years from now kung gusto mo talaga ng malaking kita.
Ano ang peso cost averaging at paano ka magsisimula?
1. Isipin mo muna kung magkano ang kaya mong baayaran every month. Ang pera para sa investment mo ay dapat hiwalay sa emergency fund mo.
2. Magset ng schedule ng pagbabayad. Monthly, Quarterly, o Yearly. Isa-alang ala ang budget mo sa pagset ng schedule.
3. Imaintain ang schedule for at least 3-5 years. Kung gusto mong mag-ipon at maging milyonaryo, atleast 15 years.
Leave a Reply