Ano ang Pangarap mo sa 2018? Nais mo bang yumaman? Ano ang kayaman para sa iyo?
He who is contented is rich.” ― Lao Tzu
Sa taong 2019, ang mga sumusunod ay nagawa ko na:
1.
2.
3.
Ikaw? Ano ang nais mong magawa sa 2019?
Kung ang pangarap mo ay maging milyonaryo o bilyonaryo, o magkaroon ng maraming salapi, baka ikaw ay nabubulag lamang sa pera. Marahil ay may tanong na dapat mong sagutin para makagawa ng mas magandang pangarap.
Ano ang Pangarap mo sa 2018? Kung…
ANG PERA AY WALANG HALAGA
Wala nga bang halaga ang pera? Ano ba ang halaga ng papel at barya? Ito ba talaga ang gusto mo o ang mga bagay na nirerepresent nito? Ang pera ay isa lamang ilusyon ayon kay Robert Kiyosaki. Mahirap intindihin ang ibig niyang sabihin na ilusyon lamang ang pera. Dagdag pa niya ay lagi namang gumagawa ng pera ang bangko kaya ito ay wala talagang halaga.
Maaaring hindi ka sang-ayon ngunit tama siya. Ang pera ay representasyon lamang ng mga bagay na nais natin sa buhay. Pera ba talaga ang nais mo o bahay at lupa? Pera ba ang habol mo o bakasyon sa Europe? Pera ba ang gusto mong kainin o ang pagkain na nabibili nito? Ang pera ay walang halaga hangga’t hindi ito naipapalit sa totoong may halagang bagay. Para magkroon ng halaga ang pera kailangan mo itong ibili ng assets o mga bagay na siyang may importansiya sa iyo tulad ng pagkain, damit, lupa, bahay, business. Kung obsess ka sa pagkolekta ng pera at yun lamang ang nais mo, nangongolekta ka lamang ng bato na maaaring bukas ay wala na.
Ang tanong ko ngayon sa nais maging milyonaryo, Bakit gusto mong maging milyonaryo? Dahil ba:
- Nais mong may pagkain sa araw-araw?
- Makapag-aral?
- Makapunta sa ibang lugar?
- Magkaroon ng sariling bahay at lupa?
- Makapagsimula ng business?
- Magparetoke?
Kung ang pangarap mo ay ang mga ito, kailangan mo bang maging milyonaryo para makamit ang mga ito? May pangarap ka ba na maaari mong makamtan na hindi kailangan ng pera? Nais mong mag-aral? Nasubukan mo na ba na magtanong ng scholarships? Business? Narinig mo na ba ang mga cooperatiba na maaaring makatulong sa iyo. Pagkain? Nasubukan mo na ba na magtanim ng sarili mong gulay sa paso o 1.5 litro na bote?
BOTTOM LINE: Hindi pera ang totoong pangarap mo kundi ang mga bagay na nirerepresenta nito. Tanungin ang sarili, halimbawa hindi naimbento ang pera, may paraan ba para makamtan ang pangarap mo?
Basahin ang kwento ng tatlong magkakaibigan dito.
Leave a Reply