Ano ang ikigai? Marahil nagtataka ang ilan kung ano ang ibig sabihin ng ikiga. Ang salitang ikigai ay isang japanese word na ang ibig sabihin ay “the reason for being“. Ang isang kahulugan din niya ay “bakit ka nagigising sa umaga“. Para sa akin, ang ikigai ay sumisimbolo sa purpose mo sa buhay at sa mga bagay na bumubuo ng pagkatao mo.
Marami sa atin ang hindi nila kilala ang kanilang sarili at marami din ang nawawalan ng purpose sa buhay.
- Una sa lahat, ang pagkilala sa sarili ay hindi biglaan. Ito ay mahabang proseso at hindi kailangang madalihin. Alalahanin na bawat tao ay hindi kailangangh mailagay sa isang kategorya dahil bawat tao ay unique at may sariling pag-iisip. Hindi natin kailangang pilitin ang sarili natin na bumagay sa isang kategorya para maging masaya. Alalahanin na tayo ay ginawang may sariling abilidad at hindi natin kailangang ikumpara ang sarili natin sa iba.
- Pangalawa, ang paghahanap ng purpose sa buhay ay isa ring journey . Sabi nga nila, “the journey is the reward”. Ibig sabihin ang experiences mo ang nagbibigay ng kulay sa buhay mo pero hindi ibig sabihin na pilitin mong magkaroon ng napakaraming experience. Ang karanasan ay hindi nababase sa kung sino ang kasama mo or saan ka pumunta at ano ang mga ginawa mo. Ito ay nababase sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Hindi kailangan na mahal at sosyal ito. Matutong magdahan-dahan sa buhay at pansinin ang maliit na bagay.
Appreciate the small things in life. Do not run to your goal and pass upon the beauty of life
Maraming nagsasabi na dapat maachieve mo ang iyong goal. Maraming business seminars na tinuturuan ang members na maging aggressive kung gusto nilang yumaman. Pero, dahil sa pagmamadali ng ilan na yumaman inuubos nila ang buhay nila sa business at sa trabaho na sa pagtulog nila sa gabi wala silang maalalang magandag nangyari sa buhay nila. Ang tao ay hindi dapat magfocus sa goal nila na habang iniisip na dapat makamit nila agad ito. Dapat ang pag-iisip ay “Makakamit ko ito na hindi kailangang isakripisyo ang aking mga mahal sa buhay at kaligayahan”.
Learn to appreciate small things because they are the reward of your journey
Kapag nagigising ka ba ay tumitingin ka sa langit at nagpapasalamat na ang sky ay maaliwalas. Napangiti ka na ba sa pag-ihip ng malamig na hangin kapag naiinitan ka? Natuwa ka ba sa small gestures of kindness na nakikita mo sa araw-araw tulad ng mapagmahal na tatay sa kanyang anak na nakasakay mo sa jeep. Mga maliliit na bagay tulad ng masasayang bata na naglalaro, officemate o classmate na mabait sa iyo. O baka hindi mo napapansin ang mga bagay na iyon dahil nakatingin ka lang sa finish goal at hindi sa daan. Kung wala kang napapansin kahit ano sa paligid mo na nagpapasaya sa iyo, oras na para magdahan-dahan ka sa buhay.
Challenge: Gumawa ng journal at magsulat ng three things na nangyari sa iyong araw na nagpasaya sa iyo o naging thankful ka.
Life is not a race, it is a hike
Lahat sinasabi life is a race, hindi iyon totoo. Ang race ay pabilisan ng takbo kung saan nakatingin ka lang sa harap, hindi ka lilingon o titingin sa kasama mong tumatakbo. Kung karera ang buhay, napakarami na ng taong nakamit ang gusto nila pero sa kanilang pagtanda, wala silang maalalang magandang karanasan kundi kung gaano sila napagod sa pagtakbo at ang kanilang mag-abot sa goal nila. Ang buhay ay isang hike sa isang bundok o park kung saan tinitingnan natin ang mga kasama nating naglalakad. Tinatanong natin kung kaya pa nilang maglakad at kung pagod na ay magpapahinga at magkukuwentuhan. Nag-aasaran at nagtatawanan habang umaakyat ng bundok, Kung may nahuhuli ay hihintayin natin bago tayo tumuloy sa taas. Pag akyat natin sa taas ay makikita natin ang napakagandang view, at higit sa lahat may kuwentuhan kung paano natin naabot at tuktok ng bundok. Meron tayong maikukuwento na sa ganito muntik madulas. Maliban sa view na ating nakita sa tuktok ng bundok, ang pinakamagandang bahagi ay yung magkukuwentuhan tayo kung gaano kahirap tumaas, kung ano ang ginawa ng bawat isa habang tumataas. Tulad sa buhay, pagtanda natin ay ang maaalala natin ay ang mga pinagdaanan natin bago marating ang tagumpay, ang mga taong nakilala natin at nakausap. Mga bagay na nakita natin at natutununan.
Ganun dapat ang buhay, hindi pabilisan kundi parang pamamasyal kasama ang mga iba’t ibang tao.
Ikigai,the reason for being
Ano ang nagpapasaya sa iyo sa araw-araw? Kung wala ang iyong sagot oras na para iminimize mo ang iyong buhay at simulan ang iyong journey sa paghanap ng iyong purpose sa buhay. Tandaan na hindi ito isang karera kundi isang hiking sa isang matarik na bundok kasama ng mga taong magha-hiking din.
Leave a Reply