Ano ang hadlang sa Minimalism? Naitanong ito ng isa kong kaibigan nung minsang nagkita kami. Simple lang ang sagot jan peer pressure at social media. Ngayong panahon ay namumuhay tayo base sa opinyon ng ibang tao. Para tayong robot na sumusunod sa uso dahil ayaw nating maleft out o ma out of place sa atiing mga kaibigan. Ayaw natin na tayo ay nalalamangan o nahihigitan ng ibang tao. Kung gusto nating bumili ng simpleng cellphone pangtext at tawg tatawanan tayo ng ibang tao dahil hindi ipad, iphone, o ano pa ang ating cellphone. Ang tanong, aanhin mo ang hi-tech na cellphone, pangyabang? Anong magagawa ng yabang sa buhay mo? Sabi nga sa bibliya, be humble.
Maraming gustong maging minimalist pero nadidismaya sila hindi dahil hindi maganda ang minimalism kundi dahil hindi nila kaya ang comments ng ibang tao. Nais nating mamuhay kasama ng mga tao at bagay na importante at benepisyal sa atin. Hindi ito maintindihan ng ibang tao dahil hindi pa rin sila makalaya sa komersyalismo. Nanininiwala sila sa dikta ng ubang tao at hindi sa dikta ng isip nila.
Ano ang Hadlang sa Minimalism?
Nais ko na ang mga bagay sa paligid ko ay mga bagay na kailangan ko at nagpapasaya sa akin. Hindi ko kailangan ng magarbong damit at gamit na nakatambak lamang sa ibang lugar. Ayoko ng maraming damit na hindi nagagamit, pero lahat sila gusto nila ng branded na halaga ay puwede ng pambili ng cellphone. Na kung tutuusin ay hindi naman tinitingnan ng ordinaryong tao ang tatak na nakalagay sa may leeg ng iyong damit. Mamahaling bag na mayaman lang ang nakakaappreciate, e gamit lang ng bag e lalagyan ng gamit . Mga tao nga naman, madaling lokohin ng sambayanan. Tayo ay mag-isip ano ba ang mabuti para sa atin. Ating masayang buhay base sa ating isip, o mahirap na pamumuhay ngunit puno ng papuri ng ga taong hindi nagpapakain sa atin.
Ano ang Hadlang sa Minimalism? Ang tunay na hadlang sa pagtahak sa minimalismong pamumuhay ay ang iyong sarili. Kailangan na kayanin mo na mamuhay base sa sarili mong oipinion at hindi base sa ibang tao. Alalahanin mo ang kinabukasan mo, tama ba ang tinatahak mong daan o kailangan mo ng pagbabago?
Leave a Reply