Ano ang Dahilan ng Financial Problem ayon kay Robert Kiyosaki
1Ang dahilan ng Financial Problem ayon kay Robert Kiyosaki ay ang kawalan ng financial literacy ng mga tao. Ang ating paaralan ay hindi nagtuturo sa atin kung paano kumita at gumamit ng pera. Kung hindi business owners and magulang ng isang bata ay wala siyang alam tungkol sa pera. Sinasanay tayo na mgaing empleyado at hindi business owners.
2 Isa ring dahilan ng Financial Problem sa Pilipinas ay ang pagiging dependent ng mga tao sa kanilang politicians. Sa halip na tulungan nila ang sarili nila para umahon sa hirap ay nag ra-rally sila sa kalye. Lahat sinisisi nila sa mga politiko samantalang hindi ang mga politiko kundi ang tao mismo ang makakatulong sa kanilang sarili. Tandaan na ang mga politicians at mga kawani ng gobyerno ay hindi rin marunong humawak ng pera. Marami rin sa kanilang ang umaabuso ng mga tao para mas maraming kitain na pera. Ang dating US President na si Richard Nixon ang nagtanngal ng gold standard sa pera kaya ang ating pera ngayon ay nawawalan ng silbi habang tumatagal.
3Hindi alam ng mga tao ang pagkakaiba ng asset at liability. Maraming tao ang bumibili ng liability imbis na asset kaya sila humihirap. Ang mga liability, ayon kay Kiyosaki, ay mga bagay na nagtatanggal ng pera mula sa ating bulsa. Ang bahay at kotse ay mga liability at hindi asset. Ang mga gadgets at branded items ay mga liability na umuubos ng pera ng mga tao sa halip na nagdadagdag ng pera sa kanilang bulsa.
4Hindi marunong kumuha ng assets ang mga tao. Pagkakuha ng suweldo ay mauubos agad ito sa alak at panlilibre sa ibang tao. Maraming tao ang walang bank account at maraming walang ipon.
5Mahilig sa get-rich–quick schemes ang mga tao kaya madali silang ma-scam . Nauso noon ang pyramid scam na siyang umubos sa maraming ipon ng mga tao. Sa kabila ng magkabilaang warnings at insidente ng pyramid scam ay marami pa ring naloloko rito dahil pinipikit nila ang kanilang mga mata sa katotohanan na walang get-rich-quick strategies.
Ito ang mga ilang mga dahilan ayon sa Rich Dad, Poor Dad (1997) na libro ni Robert Kiyosaki.
Leave a Reply