Ang Pera ng Tatlong Hayop
Si Leon, Tigre, at Aso ay nakatira sa gubat. Sila ay pumunta sa lungsod para magtrabaho. Matapos ang isang linggo bumalik sa gubat ang tatlong hayop na tuwang-tuwa. Tinanong sila ni Kwago kung bakit sila masaya. Pinakita nila ang kanilang pera.
Kwago: Ano yan?
Leon: Pera.
Kwago: Para saan yan?
Tigre: Maaari mo itong ipagpalit sa pagkain.
Kwago: Kung ito ay naipapalit sa pera, bakit tila yata pumayat kayo?
Tigre: Nagbawas kasi ako ng pagkain para makaipon ng maraming pera.
Biglang umulan ng malakas, nagsitakbuhan ang mga hayop sa ilalim ng puno.
Kwago: Maaari bang gawing payong yan?
Aso: Hindi, pero maipambibili ito ng payong.
Kwago: May lilim ang puno pero hindi ko binigyan ng pera.
Aso: Maaari mo ring gamitin ang pera para ipalit sa bahay.
Kwago: Kung wala kang mahanap na bahay na ipapalit? Ano ang gagawin mo sa pera?
Aso: Ilalagay mo sa bangko para hindi manakaw.
Kwago: Anong gagawin mo habang nasa bango ang pera mo?
Leon: Magtratrabaho ulit para madagdgan ang nasa bangko.
Kwago: Magagamit ko ba ang pera para makabili ng oras?
Leon: Hindi, pero pwede mong itinda ang oras mo para makakuha ng pera.
Kwago: Maipapalit ko ba ang pera para bumalik sa pagkabata?
Leon: Hindi pero pwede mong gamitin para magmukha kang bata?
Kwago: Mabibili ba niya ang respeto at pagmamahal ng aking mga anak?
Leon: HIndi. Pero maaari mong iwanan ang iyong mga anak para magkaroon ng maraming pera.
Kwago: Aanhin mo nag maraming pera?
Leon: Pambili ng mga luho at lupa para hindi ka makalimutan ng mga anak mo?
Kwago: Iiwan mo ang mga anak mo para hindi ka nila kalimutan?
Tigre: Hindi nga ba trabaho ng magulang na pag-aralin, pakainin, at punan ang luho ng mga anak?
Kwago: Hindi yata’t mas importante na sila ay makasama at magabayan upang hiindi sila mawala sa landas?
Leon: Mas mahalaga ang pera, kaibigang kwago.
Aso: Kaysa sa mga anak mo?
Leon: Mas mahalaga ang anak ko kaya para sa kanila ang perang ito.
Kwago: Naitanong mo ba, bago ka umalis, kung ano ang kailangan nila? Naitanong mo na ba kung ano ang pakiramdam ng lumalaking walang magulang?
Leon: Hindi yun mahalaga. Ang importante ay mayroon silang magandang kinabukasan.
Kwago: Hindi ba’t ang kinabukasan ng ating anak ay nakabase sa tamang paggabay ng magulang? Ang buhay ay mahirap tahakin, ang mga bata ay nangangailangan ng kamay na hahawak sa kanila para hindi maihangin ng makamundong pagnanasa.
Leon: Ang pera ang gagabay sa kanilang tahakin ang mahirap na buhay. Pera ang magbibigay sa kanila ng magandang buhay. Pera ang paraan para hindi mawala ang kanilang landas.
Kwago: Ganun nga ba kaibigan? Pera ang sagot sa kinabukasan?
Bumalik ang tatlong hayop sa lungsod at nagtrabaho ng isang taon. Si Aso ay bumalik matapos ang dalawang buwan habang sina Tigre at Leon ay bumalik matapos ang isang taon.
Kwago: Ano ang mga dala ninyo ngayon?
Leon: Heto titulo ng lupa, may nabili akong bahay sa lungsod.
Kwago: Ngunit bakit tila malungkot ka?
Leon: Hindi ko na kasi naabutan ang aking mga anak na lumaki. Ngayon ay nasa ibang gubat na sila at may sariling pamilya?
Kwago: Bakit hindi mo itinda ang lupa mo para bilhin ang mga panahon na ginamit mo sa pag-ipon ng lupa?
Leon: Ang maari ko lamang magawa ay ipamana ang lupa sa aking mga anak. Tiyak matutuwa sila kahit hindi ko nakita ang kanilang paglaki at hindi ko man lamang naranasang maging ama.
Kwago: Marahil ay tama ka, kaibigan Leon. Kaibigang Tigre, ano ang dala mo?
Tigre: Eto pera, ang dami hindi ba?
Kwago: OO marami nga. Pano ka nakaipon ng marami?
Tigre: Hindi ako kumain at natulog. Wala na akong ginawa kundi magtrabaho. Araw gabi pera ang nasa isip ko. Kaya hayan napakarami kong pera.
Kwago: Aanhin mo ang maraming pera?
Tigre: Iipunin.
Kwaga: Tapos?
Tigre: Ipambibili ng pagkain.
Kwago: Pero hindi ka kumain at natulog para makaipon?
Tigre: OO pero marami akong pera sa bangko na pwede kong gastusin.
Kwago: Bakit hindi mo gastusin?
Tigre: Ayokong mabawasan ang pera ko sa bangko.
Kwago: Nagtitiis ka para magkaroon ng pera ang bangko?
Tigre: Pera ko yun, hindi ng bangko.
Kwago: Pero ang bangko ang kumakain at nakakatulog gamit ang pera mo? Kaibigang Tigre, aanhin mo ang napakaraming salapi sa bangko?
Tigre: Bakit hindi si kaibigang Aso ang pag-usapan natin ni hindi niya natapos ang isang taon.
Aso: Yun ay dahil gusto kong makita ang aking anak na lumaki.
Kwago: Saan ka kumukuha ng pagkain?
Aso: May trabaho naman ako dito sa gubat.
Leon: Hindi ka ba naawa sa iyong anak, paano ang kinabukasan nila?
Aso: Napag-ipunan ko na ang pang-aral nila bago ako nagkaroon ng anak. Bago ako nagkaanak ay may nakalaan na para sa kanila upang hindi ko na kinailangang pumunta sa lungsod.
Tigre: Napakatamad mo lang at ayaw mong magtrabaho, anong ginagawa mo sa bakanteng oras mo?
Aso: Nag-aral ako ng mga wastong paghawak ng pera para maturuan ang aking mga anak na paghirapan ang pera. Para rin maipagkasya ang suweldo ko sa aming pamilya. Ginabayan ko ang aking mga anak sa eskwela para hindi sumama sa masasamang tao. Ang ang naging haligi ng tahanan.
Kwago: Nasaan ang naipon mo sa loob ng ilang buwan sa lungsod?
Aso: Pinambili ko ng maliit na bahay parentahan sa lungsod.
Kwago: Saan mo nilagay ang mga ipon mo mula sa parentahan?
Aso: Pinambili ko ng bangko para kay Tigre.
Ang Pera ng Tatlong Hayop
Sundan…
Leave a Reply