All Purpose Body oil: Moringa O2 oil review
Hello sa inyong lahat, ilang araw na akong hindi nakakapost at suspended ang aking pagtitinda ng raw materials this November dahil very busy ako this month. Itutuloy ko po ang store by December, so please check back sa December po. Since, wala ako sa aking hometown this month at nakalimutan kong magdala ng maraming homemade lotion at oils, kinailangan kong magshopping ng lotion sa supermarket. Naghanap ako ng mura at natural sa balat dahil ayoko namang maglagay ng alcohol, paraben, at other synthetic chemicals sa aking blood stream. Kaso, lahat ng nasa market ngayon ay puro chemical at wala ng all natural na mabibili. Pero buti na lang nakita ko ang Moringa O2 oil. Pinili ko siya dahil gawa siya sa Moringa (Malunggay) Seed oil, Olive oil, at Sunflower oil. Ang presyo niya ay P159 for 55ml pero marami na ang 55 ml.
Bakit Body Oil ang gamit ko?
Bakit body oil at hindi lotion ang binili ko? Marami sa atin sanay sa lotion pero puwede rin naman ang body oil para sa ating katawan. In fact, mas maganda ang oil dahil instant niyang namomoisturize ang katawan at hindi siya nagiging sticky sa pawis hindi tulad ng lotion. Ako kasi mas gusto ko na magaan ang pakiramdam kesa sa heavy feeling sa lotion lalo na sa mainit na lugar. Lotion man o body oil ang gusto mo sa iyong balat, okay lang basta comfortable ka. Ako kasi mas gusto ko ang body oil sa aking katawan.
All Purpose Body oil: Moringa O2 oil review
Advantage:
- All natural siya dahil oils lang ang ingredient
- Magaan sa balat
- Hindi mahal
- Magagamit siya sa katawan, mukha, at buhok
Result in my skin:
Almost 2 weeks ko na siyang ginagamit at maganda ang result. Madali siyang ipahid sa katawan pagkatapos maligo at bago matulog (depende kung gusto niyong dalawang beses ilagay, ako kasi once lang). Hindi siya malagkit sa balat at nagtatagal siya. Sa tingin ko naging makinis naman ang aking balat kumpara pag wala akong nilalagay. Hindi siya malagkit sa balat kahit mainit at long lasting talaga siya. Hindi kailangang madami ang ilagay sa katawan kaya tipid siya.
Recommended ba siya?
So far masaya ako sa produktong ito at nirerecommend ko ito sa lahat ng gustong mag “go natural” sa kanilang katawan.
Note: Wala akong tinatanggap na bayad mula sa Moringa O2 at lahat ng nakalagay ay base lamang sa aking observation.
Leave a Reply