Kung nalaman ko ito agad habang nasa Law school ako ay malamang mas madali ang law school. Ang tips na ito ay para sa incoming freshmen at sa mga currently enrolled. Mas madali ang law school sa pamamagitan ng paggamit ng minimalist technique. Heto ang nacompile ko na tips na dapatmalaman bago pumasok sa law school.
1. Develop a habit – Magtakda ng oras kung saan idededicate mo sa pagbabasa ng cases at libro. Maglaan ang at least 4 hours para sa case digests at memorization. Gawin ito everyday para habang tumtagal masasanay ang katawan mo na magbasa.
2. Gumamit ng Pomodoro Method – Sa iyong study time, gamitin ang pomodoro method. Ito ay 25 minutes na study 5 minutes break, 25 minutes, 5 minutes at 15 minutes break. Maaaring magdownload ng free pomodoro timer sa google app o gumamit ng ordinary timer.
3. Focus – Alisin lahat ng distrctions sa iyong study time, kung may nais kang gawin kunwari paghuhugas ng pinggan gawin ito sa 5 o 15 minutes break mo huwag sa 25 minutes break.
4. Magset ng schedule days – Isa sa klaban ng pag aaral ay ang distractions dahil sa errands at laundry at kung ano ano pa. Magtakda ng laundry day atvmaintenance day sa isang araw at dun gawin ang cleaning at laundry. Magtakda rin ng errands day kung saan doon mo gagawin ang grocery shopping,bpagpunta sa offices, at lahat ng gawain na kailangangang gawin sa labas.
5. Stop unnecessary work – Kung working student ka, huwag tumanggap ng kahit na anong trabaho na outside ng job description mo. Say no sa requests ng mga co-workers mo o kaya matuto silang maghintay. Bawasan ang activities mo tulad ng pagbawas ng oras sa volunteer works. Kailangan mo ng oras para mag-aral sa law school. Walang pakialam ang professors mo kung working ka o hindi.
6. Buy books – Bumili ng textbooks habang first year pa lang at basahin ito. Importante ito kun gusto mong matuto. Kung hindi afford, kopyahin ang nasa library.
7. Read reviewers during vacation – vacation o bago pasukan, magbasa ng reviewers para makita mo ang framework ng subject. Pumunta sa library o magdownload ng free pdf sa internet.
Dapat Malaman Bago Pumasok sa Law School Part 2
[…] ating Part I, naitala natin ang mga habits at paraan para mapadali ang law school, ngayon ay tatalakayin natin […]