Marahil marami sa inyo ang nakarining na sa libro ni Marie Kondo na “The Life Changing Magic of Tidying Up”. Dahil sa librong ito ay sumikat sa Marie Kondo at naimbita na siya sa maraming palabas sa Estados Unidos. Ang organization skill ni Ms. Kondo ang nagtulak sa kanya upang magsulat ng libro. Ano nga ba ang naiiba sa kanyang libro kumpara sa ibang self-help na libro?
5 Bagay na Natutunan ko kay Marie Kondo
1 Piliin lamang ang mga Bagay na Magpapasaya sa iyo
Ang minimalism ay nauso sa Japan dahil ito ay naayon sa Zen na pinalaganap ng mga monghe sa Japan. Ayon kay Marie Kondo, ang mga bagay na nakapaligid sa atin ay dapat mga bagay na nagpapasaya sa atin. Kung ang isang bagay ay pangit ang emosyong pinapataw sa atin, ito ay dapat ng itapon. Halimbawa, kung may damit kang nagpapaalala sa iyo ng isang nakakalungkot na sakuna na ayaw mong balikan, oras na para ito ay iyong itapon/ i-donate kahit mamahalin pa siya o bago.
2 Itapon ang mga bagay na hindi mo ginagamit
Kung lahat ng bagayna nasa paligid mo ay nagpapasaya sa iyo, may mga bagay ka bang hindi ginagamit ng halos 3 years? Ang mga Pilipino ay matipid at lagi nating iniisip na, “baka magamit ko”. Ako man ay laging iniisip ito kaya halos lahat ng nakikita ko ay iniipon ko. Nang naglinis ako sa kuwarto ko ay napansin ko ang mga botones, garter, at iba pang retaso na tinabi ko ilang taon na ang nakakaraan. Ni minsan ay hindi ko sila nagamit at umubos lamang sa espasyo sa bahay. Ayon kay Ms. Kondo, huwag ng ipunin ang mga bagay na hindi natin siguradong magagamit ng madalas. Hindi karagdagang cabinet ang kailangan ng isang tao kundi ang pagbawas ng mga bagay na nasa cabinet.
3 Huwag Pilitin ang Iba na Tularan ang Lifestyle na Nais mo
Ayon kay Ms. Kondo pinakialaman niya nag mga gamit ng kanyang pamilya dahil gusto niyang maging organize ang buong bahay nila. Ayon sa kanya, ito ay isang pagkakamali dahil imbis na gayahin nila siya ay naging isang kaaway nag turing sa kanya. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, minabuti niyang mag-focus sa sarili niyang gamit. Imbis na pilitin ang kaanak ay naging example na lamang siya kung paano maging organize. Dahil sa kanyang consistent na pag sunod sa kanyang prinsipro ay nagsimulang tularan siya ng kanyang pamilya.
4 Kausapin at Pahalagahan ang mga bagay sa paligid
Kinakausap ni Ms. Kondo lahat ng gamit niya. Nagpapasalamat siya sa kanila matapos niya silang gamitin. Sa tingin ko ay mabuti ito upang ma-i-express natin ang pasasalamat sa mga bagay na nagamit natin. Hindi sila sasagot pero isa itong mabuting paraan sa atin upang tayo ay laging maging grateful sa blessings na ating natamo. Ang pagbigay pasasalamat sa ating cellphone dahil tayo ay nakapag-internet ay makakabuti sa ating mental health. Kinakausap din ni Ms. Kondo ang kanyang mga halaman.
Walang scientific proof na hahaba nag buhay ng gamit na pianpasalamatan pero at epekto na ito ay nakakabuti sa atin. Dahil araw-araw ay magiging aware at grateful tayo sa mga maliliit na bagay na dati ay hinid natin pinapansin.
5 Huwag Ibigay sa Iba ang Gamit kung Nasasayangan Ka
Ano ang ibig kong sabihin? Bawal ba magdonate ng gamit? Maaari mong idonate ang lahat ng gamit na hindi na nagpapasaya sa iyo ngunit ito ay di dapat ipasa sa taong may ayaw tanggapin ito. Ayon kay Ms. Kondo ay pinapasa niya sa kapatid niya ang mga bagay na ayaw na niya. Maganda ba ito? Mukhang maganda ngunit ayon sa kanya ay hindi daw ito makabubuti dahil ayaw din ng kapatid niya ang mga inigay niyang damit. Ayon sa clients ni Ms. Kondo ayaw nilang pinapasa sa kanila ang mga damit dahil di naman nila ito nasusuot at nakatambak lamang sa kanilang cabinet. Bago magpasa ng gamit ay itanong muna kung nais ba nila itong tanggapin.
Leave a Reply