3 Tips para Hindi Umayaw sa Pagkamit ng Pangarap. Ang pag kamit ng pangarap ay hindi madali. Napakaraming balakid ang pumipigil sa atin. Para labananan ang mga balakid na ito, heto ang 3 tips para hindi sumuko sa pagkamit ng pangarap.
3 Tips para Hindi Umayaw sa Pagkamit ng Pangarap
1. Make the journey your reward – Kapag may pangarap ka malamang ay yun lang ang nakikita mo, hindi mo na nakikita ang mga bagay sa paligid mo. Minsan masyado kang tumitingin sa “kinabukasan” at hindi pinapansin ang “ngayon”. Sa pag tahak mo sa buhay, huwag kang magfocus sa resulta kundi sa paano mo ito ginagawa. Halimbawa, nais mong makaipon ng P100, 000 impis na lagi mong iniisip na ang tanggal bago mo makamit ito, icongratulate mo ang sarili sa bawat piso na naidadagdag mo. Sa pag-abot mo ng pangarap mo, huwag ka lang tumingin sa hinaharap. KUng hindi maiwasang isipin ang end result, i-imagine mo na ikaw ay tumitingin sa isang salamin, kung gusto mong magfast forward, tumingin sa salamin na ito at tingnan ang present.
2. Gumawa ng Journal o Diary tungkol sa efforts mo sa pag-achieve ng pangarap mo – Itala, iblog o irecord ang mga ginagawa mo para ma achieve ang pangarap mo. Habang nagsusulat ka ay makikita mo ang mga magagandang habit na maaari mong ituloy at mga pangit na gawain na dapat baguhin. Makatutulong din ito para icheck ang progress mo. Puwede kang gumawa ng checklist para malaman mo kung nagawa mo na ba ang dapat mong gawin.
3. Just like catching rain drops – Tandaan na ang pag achieve ng goals ay hindi biglaan, para kang nag-iipon ng baso mula sa tig konting patak ng tubig. Kung nagkamali ka ay bumangon ulit at magpatuloy. Huwag mong isipin na may instant success at instant money. Hindi ito totoo. Pati ang pagpapapayat ay hindi instant, aabutin ka ng buwan para magkamuscles o mawala ang bilbil mo. Tandaan na baby steps ang pag-achieve ng pangarap.
Isa sa goal ko ngayon ang gumawa ng blog, hindi araw araw ay nakakapag-isip ako ng article. Marami akong kapalpakan na ginawa at magagawa. Minsan parang ayoko ng ituloy pero isa to sa pangarap ko makagawa ng blog na tatangkilikin ng marami. Sa ngayon wala akong readers pero isa yan sa pag ipon ng tubig, matagal at mabagal na proseso. Matagal pa bago ako magkaroon ng readers pero natutuwa ako habang gumagawa ng articles – the journey is the reward.
Leave a Reply