Goal setting sa minimalist na paraan. Madalas ay napakarami nating goals sa buhay, minsan napakarami na hindi na natin masimulan dahil takot tayo na simulan. Sa mga guide na io makakapagsimula ka agad:
Goal setting sa Minimalist na Paraan
1. Magtakda ng hanggang 3 na goals lamang – Tatlong goals lang? Oo tatlo lang kaya piliin mo na ang makakachange ng iyong buhay sa mas maganda. Gusto mong magtayo ng business? Gusto mong yumaman? Magretire sa pagiging OFW? Ilsta mo ito sa papel.Kung marami kang goals ay piliin mo ang top three para ngayong taon. Importanteng isa hanggang tatlo lamang para makapagfocus ka sa pagkamit nito. Ang goal setting ay parang init ng araw, kung kalat ay hindi makakasunog ng papel pero kapag finocus mo gamit ang magnifying glas, kaya nitong sunugin ang papel o kahit bakal pa. Ganyan ang dahilan kaya kaila gannatin ng focus.
2. Ilista ang advantage ng pagkamit nito – Take your time at isulat mo kung bakit nais mo itong makamit. Isulat mo lahat ng nasa isip mo. Isulat mo din kung ang ang mangyayari sa iyo kung hindi mo ito makamit. Tandaan na ito ay importanteng hakbang kaya kailangan mo ng atleast 20 minutes bawat goal para ma-internalize mo ito. Ang hakbang na ito ang iyong magiging motivation para magpatuloy kung sakaling nais mo na sumuko.
Isa sa halimbawa ng aking goal ay ang magkaroon ng blog, at ngayon ay sinimulan ko na.
3. Paano mo ito makakamit – Kung naisip mo na kung bakit gusto mo ang goal na ito, isipin kung paano mo ito makakamit. Kung gusto mong magbusiness, magtakda ng oras para manood ng videos, magbasa ng tutorials at seminars tungkol sa business. Kung gusto mong magkaroon ng bagong bahay, umpisahan mo ng mag-ipon ng pera. Simulang magtabi ng atleast 20% ng iyong sahod para sa sarili mo. (see bakit kailangang mag-ipon ng maaga). Kung gusto mo naman maging chef o lawyer mag-ipon na ng pangtuition at magbasa ng mga tips sa internet kung paano mag enroll at mga tips para magsurvive. Pag may ipon ka na ay mag enroll ka na.
4. The journey is the reward – Gawin mo itong motto sa pag-abot ng pangarap mo. Tandaan na ang pagkamit ng pangarap ay parang pangongolekta ng isang basong tubig sa tumutulong gripo, paunti-unti ngunit mapupuno din. Ganun ang pangarap, huwag magfocus sa resulta at sa kinabukasan kundi magfocus sa natututunan mo sa araw-araw.
5. Ilagay sa MIT (most important task) ang iyong mga hakbang para makamit nag pangarap.
6. Huwag susuko at “JUST DO IT”.
Leave a Reply