Sa paano magkaroon ng personal style 1 ay nabanggit natin ang tatlong basic steps kung paano magkaroon ng personal style. Nabanggit din natin na ang pagkakaroon ng personal style ay isang susi para makatipid ng pera. Dito sa Paano magkaroon ng Personal Style 2 ay pag-uusapan natin ang unang hakpang kung paano magkaroon ng personal style.
Paano magkaroon ng Personal Style – Step 1
Alamin ang Activities mo sa araw-araw.
Bakit kailangang alamin ang activities mo? Ito ay para alam mo kung anong klase ng damit ang kailangan mo. Alamin kung formal, casual, o smart casual ang kailangan mong damit. Kung sa eskwelahan ka ba pumupunta o sa workplace mo. Kung ikaw ay nagtratrabaho sa kumpanya na kailangan e formal clothes ang damit, dapat mo itong isa-alang ala sa pagpili ng damit. Kumuha ng notebook at sagutin ang mga sumusunod. Itago ang notebook dahil dito natin ilalagay lahat ng modules para makagawa ng personal style.
Mga gabay sa pag-isip ng activities mo?
1. Para saan ang mga damit mo?
a. Pang trabaho
b. Pang eskwelahan
c. Parehong a at b
d. Others
2. Ilang araw ka pumupunta sa activities na ito?
3. Ano ang klima sa iyong lugar at pinupuntahan?
Isa alang-ala kung mainit ba ang lugar niyo o malamig, tag-ulan ba o summer. Ang work place o school mo ba e may aircon etc. Sa ibang bansa magkakaiba ang wardrobe nila bawat season (summer, spring, fall, automn), sa Pilipinas pwede kang gumawa ng para sa tag-ulan na damit at para sa tag-araw na panahon. Kung mainit naman ang klima ninyo tulad ng Manila pero malamig ang workplace dahil may aircon, siguraduhing may jacket, sweater o scarf sa iyong wardobe. Importanteng malaman ang klima sa iyong lugar para maging komportable ang wardrobe capsule na gagawin mo.
4. Anong uri ng trabaho o activities ang ginagawa mo?
Naakaupo ka lamang ba sa office o kailangang bumisita sa iba’t ibang departments at humarap sa mga tao? Kailangan mo bang tumakbo at kung anu-ano pa. Importanteng malaman mo ang activities na ginagawa mo para iayon mo ang klase ng damit na isusuot, kung lagi kang humaharap sa mga tao o kliyente mas maganda kung desente ang damit mo. Kung kailangan mo namang tumakbo takbo mas mabuting umiwas sa miniskirts.
Leave a Reply