paano maging minimalist 3 – Slow down in life. Isa sa pinakamagandang turo ng minimalism ay ang pagdahan-dahan sa buhay. Isa sa dahilan kung bakit tayo napapahamak at nagkakamali sa buhay ay dahil sa pagmamadali natin. Mabilis tayong gumawa ng desisyon at mabilis gumalaw. Ang ganitong paraan ay nagdudulot lamang ng pagkakamali at stress sa buhay. Basahin ang ano ang minimalism, paano maging minimalist 1 at 2.
Bakit natin kailangang magdahan-dahan sa buhay?
Maliban sa nagdudulot ng pagkakamali at stress ang pagmamadali, nakatutulong ang pagdahan dahan sa buhay upang maenjoy natin ang buhay. Sa pagmamadali kasi ay lagi tayong nakafocus sa resulta, hindi sa paggawa. Bakit tayo nagmamadaling umalis sa office, bakit minamadali natin ang lunch break natin, bakit laging gusto nating mauna sa lahat ng bagay? Hindi ba puwedeng tayo ang huling lumabas sa office, kumain ng tama, at gawin ang trabaho natin na hindi nakikipagkarera sa iba? Bakit kailangang laging nakikipag-unahan sa ibang work mate natin? Puwede namang magfocus lang sa group natin o sa trabaho natin.
Paano maging minimalist 3 – Mga tips para mabawasan ang pagmamadali sa buhay
1. Huwag magmadali sa pagkain – Take your time sa hapag kainan, tikman ng mabuti ang pagkain. Take your time kasama ang pamilya o kaibigan sa pagkain. Hindi karera ang pagkain, minsan gusto nating makarami ng pagkain sa mga events. Gusto natin makadalawang plato para sulit ang pagkain, pero sulit ba talaga kung hindi naman natin nalasahan ng husto ang kinakain natin? Tandaan na ang pagkain ay hindi karera, sa ibang lugar ay may batas sila na dapat kumain ng dahan-dahan kasama ang pamilya, kaibigan, o kahit mag-isa.
2. Huwag magmadali sa pila – Basahin ang tips kung paano magdahan-dahan sa buhay.
3. Isipin na hindi karera ang buhay –
Sabi sa 3 idiots, “life is a race” pero hindi sa lahat ng panahon. May nabasa akong isang kuwento kung saan ang author ay pumunta sa isang lugar sa Europe. Maaga sila ng kasama niyang makarating sa office pero nagpark ang kasama niya sa pinakamalayong parking space. Tinanong niya ang kaibigan niya, “Bakit sa piakamalayo ka nagpark?”, Sabi ng kaibigan niya ay may oras pa naman sila para maglakad dahil maaga pa. Ang pinakamalapit na parking spot ay para sa mga late para di sila malate lalo. Napakagandang ideya hindi ba? Sa Pilipinas ay laging pabilisan. Madalas, dahil pabilisan ay nacocompromise ang quality ng trabaho.
Leave a Reply