Paano maging minimalist 2 – Detoxify your internet use. Marami sa atin halos 24 hours sa internet, kadalasan ay hindi natin alam kung bakit babad tayo sa internet lalo na sa social media tulad ng facebook. Para sa paano maging minimalist 2 , babawasan natin ang paggamit ng internet at social media tulad ng facebook. Ang maibabawas nating oras ay gagamitin natin sa mas makabuluhang aktibidad tulad ng pag-aaral ng bagong bagay. Sa aking karanasan ay naggamit ko ang extra na oras sa pag-aaral ng ibang bagay tulad ng paggawa ng homemade organic lotion, book let, Japanese at Korean Alphabet, Japanese at Korean language na dati ay hindi ko naisip matutunan.
Minimalism: Detoxify your internet and social media use
Isa sa balakid kung bakit parang laging kulang ang ating oras ay dahil nasasayang natin ito sa internet. Para magkaroon tayo sa ibang bagay na makabuluhan, bawasan natin ang paggamit natin ng internet. Madalas ay isa lang sinesearch natin tapos biglang iba na ang giangawa natin at two hours na tayo sa computer. Para mas productive tayo sa buhay ay idetoxify natin ang ating internet at socail media usage. Ang tanong paano natin ito gagawin?
Paano maging minimalist 2: Paano idetoxify at internet usage
1. Alamin ang mga pangunahing dahila kung bakit ka nag-iinternet. Pang trabaho ba? Facebook? Games? ano ang top 5 na rason ung bakit ka nag-iinternet? Ilista ito sa papel. Ilista lahat ng dahilan kung bakit ka nag-iinternet
2. Sa listahan mo na ito, saan dito ang mga nagpapasaya sa iyo at alin ang kailangan mong icheck everyday?
3. Alisin sa listahan ang hindi parte ng trabaho at nagpapalungkot sa iyo. Piliin lamang ang kailangan at ang mga nagpapasaya sa iyo.
4. Mag-internet lamang gamit ang final list mo. Kung may emergency na dapat iresearch yun lang. Kapag mag-iinternet ay laging gumawa ng checklist bago magsimula. Icross-out sa checklist ang mga natapos mo na. Magfocus lamang sa nasa checklist at iwasang magbukas na tab para magresearch ng hindi related sa listahan mo.
Halimbawa ng aking listahan
1. Check new Ryan Higa Videos (you tube)
2. To learn something new
3. Get cases (studies)
4. Check flights (to Singapore)
Yan yung unang listahan ko noon pero ngayon ay may modification na:
1. Check new Ryan Higa Videos (you tube)
2. To learn something new
3. Blogging
4. Research
5. Check E-mail
Ano ang rason mo kung bakit ka nag-iinternet at ano ang mga nagpapasaya sa iyo? Ishare ang iyong iniisip sa comment sa ibaba.
Leave a Reply